Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ibinebentang bahay ni aktres minamadali, matagal na kasing ‘di nakababayad sa negosyanteng pinagkaka-utangan
Ibinebentang bahay ni aktres minamadali, matagal na kasing ‘di nakababayad sa negosyanteng pinagkaka-utangan

Ibinebentang bahay ni aktres minamadali, matagal na kasing ‘di nakababayad sa negosyanteng pinagkaka-utangan

KINUKUMBINSE ng kanyang mga kaibigan na murahan ng isang aktresang ibinebenta niyang bahay. Masyado raw kasing mataas ang presyo nito.

Katwiran ng mga ito, malaking tulong ang agad na maibenta ang property ng aktres sa presyong kung tutuusi’y hindi siya lugi o dehado.

Sa ngayon kasi’y napakatagal na palang hindi nababayaran ng aktres ang kanyang utang sa isang negosyanteng aabot sa kulang-kulang P10-M.

Halos P30,000 na nga lang ang buwan-buwang hulog ng aktres ay pumapalya pa sa pagbabayad. Mabuti na lang daw at mabait at maunawain ang pinagkakautangang negosyante.

Ang totoo kasi, minsan nang nakarelasyon ng aktres ang taong ‘yon, na payag na sanang hindi na siya bayaran kung maliit lang ang pagkakautang ng aktres.

“Pero milyong-piso ‘yon, ‘no! Ang mahal naman ng keps niya!” himutok ng negosyante patungkol sa aktres na itago na lang natin sa alyas na Carmina Arnaiz.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved