Wednesday , April 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Baron, magbago na kaya sa pagpanaw ng kanyang ina?
Baron, magbago na kaya sa pagpanaw ng kanyang ina?

Baron, magbago na kaya sa pagpanaw ng kanyang ina?

DAHIL sa pagyao ng ina ni Baron Geisler (adoptive mom, that is) ay umaaasa ang publiko na magsilbing wake up call na raw ‘yon para ituwid na ng aktor ang kanyang buhay.

Kung matatandaan, ang pinakahuling kontrobersiyang kinapalooban ni Baron ay ang kaso with Ping Medina.

That time ay nasa ICU na at fighting for her dear life ang ina ni Baron.

Ang alcoholism, sa totoo lang naman, ang nakadidiskaril sa diskarte ni Baron kaya nawawala ang focus niya sa kanyang career.

Malungkot kung sa malungkot ang nangyaring pagkamatay ng kanyang ina, pero magdulot sana ang trahedyang ito ng positibong pagbabago kay Baron.

Let’s face it, isa si Baron sa pinakamahuhusay nating artista. Sayang nga lang at nawawalan ng saysay ang husay ng kahit na sinong magaling na aktor (o ng aktres na rin for that matter) kung mas pinaiiral nito ang bisyo.

Sa pamilya ni Baron, ang aming pakikidalamhati kasabay ng panalanging magbago na sana si Baron.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top