Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tommy, nabigla sa 3 bracelet na sorpresa ni Miho; Nahiya naman nang mapanood ang mga sarili sa big screen
Tommy, nabigla sa 3 bracelet na sorpresa ni Miho; Nahiya naman nang mapanood ang mga sarili sa big screen

Tommy, nabigla sa 3 bracelet na sorpresa ni Miho; Nahiya naman nang mapanood ang mga sarili sa big screen

KAPWA masaya sa naging reaction ng fans sina Tommy Esguerra at Miho Nishida sa premiere night ng kanilang first movie under Regal Entertainment, ang Foolish Heart na pinagbibidahan nina Angeline Quinto at Jake Cuenca.

Panay kasi ang hiyawan ng fans sa tuwing ipinakikita ang ToMiho sa screen. Patunay na natuwa sa kanila ang viewers dagdag pa na talagang may kilig silang dalawa.

“I think a good actor should always tell themselves be critical on what you can do to be a better actor. Masaya sa reaction ng fans. I wish I can do better. I see Jake’s acting and he’s so perfect, I’m okey with my acting. Sana lang mas okey pa,” ani Tommy nang makausap namin sila ni Miho pagkatapos ng premiere night na ginawa sa Cinema 7 ng SM Megamall.

“Tulad ng sinabi ni Tommy, super masaya ako sa reaction ng fans. Pero siyempre bilang isang aktres ka na na mayroon ng movie, maikokompara mo iyon sa isang magaling umarte like Angeline, tinitingnan ko yung acting niya at ikinokompara ko yung sa akin. Tinitingnan ko kung ano ýung kulang sa akin. Gusto ko pang mas gumanda pa ang acting mo. Mas matuto pa at kung paano ko pa mapagaganda ang acting ko.

READ MORE:  Jose Manalo, nagtungo ng Las Vegas para magpakasal

“Sa first movie naming na marami naman ang naging happy, masaya na rin ako,” sambit naman ni Miho.

At tulad ng ibang artista na nahihiya kapag napapanood ang sarili sa pelikula, ganoon din daw ang naramdaman ni Miho.

“Nahiya ako. Super shy, kasi parang hindi sanay na nasa screen, big screen ang sarili ko. Kahit may teleserye kami (Langit at Lupa sa ABS-CBN) iba pa rin ýun,” giit pa ni Miho.

Hindi naman napigilang sabihin ni Tommy na ang ganda-ganda ni Miho nang mapanood niya ito sa big screen.

Ang favorite scene naman nila sa Foolish Love ay ýung may ulan. Ito ýung masayang pinuntahan at sinundo ni Tommy si Miho sa pinagtatrabahuhan, pero nadatnan niyang magkahawak ito at si Anjo Damiles habang nasa labas dahil natumba ang dalaga. Buong akala ni Tommy ay may kakaibang nangyayari sa dalawa kaya nagkaroon sila ng sagutan hanggang sa inabutan sila ng ulan.

READ MORE:  Sa pagkikita nina Sunshine at Cesar: Alam ko si God ang kumilos

Ani Miho, imposible raw kasing mangyari ang ganoon na mag-usap habang umuulan. “Siyempre ang gagawin na lang eh, papasok sa bahay at doon mag-usap. Isang experience na maganda iyon.”

Sinabi pa ni Miho na marami silang natutuhan sa paggawa ng pelikula.

Hindi naman maitago ni Tommy ang pagkahiya nang mapanood niya ang sarili sa big screen. “I’m happy because of the fans, pero when I compare myself to Jake and to Angeline sobrang natural sila. Parang hindi acting. Kaya may scenes na hindi ako happy sa acting ko, mayroon namang happy ako,” pagtatapat pa ni Tommy.

At ngayon daw na nakagawa na sila ng pelikula, at may mga natutuhan na siya, tiyak na mas gagalingan pa niya sa mga susunod niyang paggawa ng pelikula.

Samantala, sobrang nagulat naman si Tommy na may ibinigay sa kanyang regalo si Miho, tatlong iba’t ibang klase at kulay ng bracelet. Suot-suot nga noong gabing iyon ni Miho ang isang bracelet na ang meaning ay Thankful.

READ MORE:  Twerk ala-Miley Cyrus ni Maja, cheap at malaswa raw

“This is parang for me and for him din, special day namin ito because siyempre first movie,” ani Miho habang ipinakikita ang suot-suot na bracelet ni Tommy. “Kaya gusto ko siya bigyan ng something a little na things na parang tatatak sa amin. Gusto ko i-celebrate.

“May three bracelets na ang meaning ay Thankful, Grateful, at Blessed. Grateful kasi mayroon tayong projects together. Mayroon kaming first movie together, teleserye at movie.

“Thankful kasi thankful ako dahil nakilala kita at nagpapasalamat ako na andyan ka lagi sa tabi ko.

“And Blessed dahil sa mga blessing na dumarating sa atin at blessed kami.”

“Sobrang nagulat ako, uisually kasi ako ‘yung lagging nagbibigay ng gift and surprises,” sambit naman ni Miho nang lokohin naming parang naiiyak siya.

Showing na ang Foolish Love sa mga sinehan ngayon na Rated B ng Cinema Evaluation Board.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved