Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Meg, nagkaroon ng short lived relationship kay JM
Meg, nagkaroon ng short lived relationship kay JM

Meg, nagkaroon ng short lived relationship kay JM

Sa kabilang banda, nagkaroon pala ng short lived relationship sina Meg at JM de Guzman kaya natanong ang dalaga kung ano na ang update.

“Ako naman kasi, everyone knows naman what happened to us, never akong nagkaroon ng sama ng loob sa kanya. I’m always there for him, to support him, na maka-recover, kasi I want to be that ‘friend’ na of all the friends na nakapa­ligid sa kanya na into this kind of ano, na kumbaga, nasu-suffocate na siguro siya. I want to be that kind na nandoon to support him.

”Nangangamusta, ganyan, like a friend, and nagre-respond naman na ‘he’s doing good’,” pahayag ng aktres.

Sana raw makabalik si JM sa showbiz dahil mahusay itong artista at gusto ring makatrabaho ng aktres ang aktor.

Anyway, bukod kina Meg at Luis Alandy ay kasama rin sina Maria Isabel Lopez, Gabby Eigenmann, at Mercedes Cabral na mapapanood na sa Pebrero 1 mula sa direksiyon ni Ed Lejano.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved