Tuesday , June 18 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dating ka-loveteam ni bedridden aktres, hirap na raw sa paglalakad
Dating ka-loveteam ni bedridden aktres, hirap na raw sa paglalakad

Dating ka-loveteam ni bedridden aktres, hirap na raw sa paglalakad

MALAYO siyempre sa itinadhana ang kasalukuyang kalagayan ng dating magka-loveteam na ito, pero panalangin marahil ng buong showbiz ay manumbalik na ang kanilang dating sigla ng katawan.

Mula sa isa naming source ay nakaratay na raw sa higaan ang babae. Isang malapit na kaanak na lang daw ang tumitingin at nag-aasikaso rito.

Kung kakausapin o tatanungin mo raw ang ngayo’y bedridden ng aktres, kung hindi tango ay sasagot lang ito ng, “Oo.”

Samantala, tila may problema naman sa kanyang paglalakad ang dating katambal ng aktres. Sa isang pagtitipon kasi kamakailan ay hindi raw ito makababa sa kanyang sasakyan kung hindi siya aalalayan sa kanyang paghakbang.

Matagal-tagal na ring hindi napapanood ang former screen sweethearts na ito. Mas matagal nga lang nabakante sa pag-arte ng babae.

Wala na pong clue bilang respeto sa kanila.

(Ronnie Carrasco III)

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top