Friday , April 26 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 2 sa 3 solon sa narco-list taga Luzon — Rep. Fariñas

2 sa 3 solon sa narco-list taga Luzon — Rep. Fariñas

DALAWA sa tatlong Kongresistang nasa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay pawang mga lalaki at kapwa taga Luzon

Kinompirma kahapon ni House Majority Leader Farinas, isa-isa na niyang kinakausap ang mga naturang kongresistang dawit sa droga at ang isa sa kanila ay itinangging nagbibigay siya nang proteksiyon sa sino mang drug personality.

Labis daw na ikinagulat ng naturang mamababatas kung bakit at papaano siya napasama sa narco-list ni Presidente Duterte.

Makikipag-usap si Farinas sa mga opisyal ng PDEA at kay PNP Chief Ronald dela Rosa para malaman o makita kung ano ang basehan nang pagkakadawit ng kanilang kasamahan sa droga at kung sino ang gumawa ng narco-list. Katuwiran ni Farinas, binibigyan nila ng due process ang tatlong kongresista kung kaya’t hindi muna sila dapat pangalanan.

(JETHRO SINOCRUZ)

About Jethro Sinocruz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top