Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pepe, ayaw maapektuhan ang kalusugan kaya tumigil muna sa pagse-serye
Pepe, ayaw maapektuhan ang kalusugan kaya tumigil muna sa pagse-serye

Pepe, ayaw maapektuhan ang kalusugan kaya tumigil muna sa pagse-serye

NOONG naging bahagi si Pepe Herrera ng top-rating series ng ABS-CBN 2 na FPJ’s Ang Probinsiyano, na gumanap siya rito bilang si Benny na sidekick ng bidang si Coco Martin, kahit paano ay sumikat o nakilala na siya ng publiko.

Bihira na nga lang daw siyang nakalalabas at nakakapag-window shopping dahil marami na raw ang lumalapit sa kanya para magpa-picture. Pero hindi naman daw siya nagrereklamo, lalo na’t karamihan naman daw na nagpapa-picture sa kanya ay mga bata. Natutuwa naman daw siya na napapasaya niya ang mga ito na mga nanonood ng kanilang serye.

READ MORE:  Alden, naiyak nang maka-Gold Record award ang debut album

Ipinaliwanag naman ni Pepe ang dahilan kung bakit namatay na ang character niya sa FPJ’s Ang Probinsiyano. Bagamat aminadong nalungkot, tinanggap naman daw niya ito ng maluwag sa kalooban.

READ MORE:  FDCP at Intramuros admin, nagsanib para sa #WeAreIntramuros Film Challenge

“Hanggang doon na lang iyong character. Noon pa namang November nag-usap na kami ni Coco at na-extend lang siya,” paliwanag pa niya.

Dagdag pa ni Pepe, gusto raw muna niyang pansamantalang magpahinga sa paggawa ng serye dahil ayaw niyang mag-suffer ang kanyang kalusugan. Halos araw-araw na raw kasi ang taping nila para rito.

READ MORE:  Kathryn, kinilabutan nang makita ang sariling star sa Walk of Fame

Ngayong wala na nga raw siya rito ay makakapagpahinga na siya at makatutulog na sa tamang oras.

MA AT PA – Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved