Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Meg Imperial, sumubok gumamit ng social dating app
Meg Imperial, sumubok gumamit ng social dating app

Meg Imperial, sumubok gumamit ng social dating app

SA ginanap na presscon ng pelikulang Swipe, inamin ni Meg Imperial na may experience na siya sa paggamit ng social dating app na Tinder pero hindi siya nakipagkita sa lalaking naka-chat niya.

Nakabakasyon daw noon si Meg sa isang resort nang sinubukan niya ang Tinder na binanggit sa kanya ng kaibigan niya.

Hindi raw sinipot ng dalaga ang ka-chat dahil natakot siya at ikinuwentong guwapo at matalino ang lalaki.

Para kay Meg, ini-encourage rin ba niya ang mga kabataang gumamit ng social dating application para makahanap ng dyowa?

READ MORE:  Tunay na kasikatan ni Richard Yap, masusukat ‘pag nagka-pelikula!

“Basta huwag nilang basta ibibigay ang mahahalagang information about them, like their address, their exact whereabouts, dapat maging cautious sila palagi sa pakikipag-chat. At huwag basta-basta magtitiwala. Kapag may nakilala kayo, do some research, kilalanin n’yo munang maige para walang pagsisisi sa bandang huli,” pahayag ng bida ng pelikulang Swipe.

Anyway, hindi masyadong visible si Meg noong 2016 pagkatapos ng presscon ng Bakit Manipis Ang Ulap, serye sa TV5 ay dahil tatlong pelikula ang nilalagare niya.

Ang Swipe under Viva Films, Allud Entertainment, at Ledge Films, Higanti, at Kamandang ng Droga na si Direk Carlo J Caparas ang nagdirehe.

READ MORE:  MMFF deadline, na-extend hanggang Nov. 2

Pagkatapos daw ng guesting ni Meg sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang love interest ni Pepe Herrera o Benny ay hindi na ito nasundan pa kaya inamin ng dalaga na gusto na niyang magkaroon ulit ng teleserye.

Isang drug addict at asawa niya si Alex Medina na isa ring adik ang papel ni Meg na na-hook sa social dating application.

Medyo matindi ang sexy scenes sa Swipe kaya natanong si Meg kung hindi ba siya naasiwang gawin ito?

READ MORE:  Kasalang Aiza at Liza, Twilight inspired

“Wala naman akong ipinakitang anything (in the past), hanggang doon lang ako sa ano, as long as—lagi kong sinasabi – may lalim ‘yung story ng film, and kailangan naman talaga, hindi naman ‘yung basta ‘magpa-sexy ka riyan para lang ma-attract ‘yung tao, no. Kinailangan talaga roon sa story so why not do it naman kung para sa story.”

Bukod sa ilang skin exposures ay nag-aral daw manigarilyo ni Meg para maka-relate rin siya sa mga taong naaadik sa yosi.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved