Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ina Feleo, excited makatrabaho ang AlDub!
Ina Feleo, excited makatrabaho ang AlDub!

Ina Feleo, excited makatrabaho ang AlDub!

FIRST time makakatrabaho ni Ina Feleo sina Maine Mendoza at Alden Richards at aminado ang magaling na aktres na excited siya sa bagong TV series na tatampukan ng AlDub. “Both of them, first time ko silang makakatrabaho. Medyo mahirap lang yung scheduling ng taping, kasi siyempre yung dalawa, super busy.

“Iyong TV series ay ang Destined To Be Yours. Ako yung kontrabida roon. Pero hindi naman siya love triangle, parang more of kay Alden, siya aapihin ko,” pahayag ni Ina.

Dahil kontrabida siya rito, hindi ka ba natatakot na magalit sa iyo ang fans nina Maine at Aden?

Sagot ng award-winning aktres, “Siyempre, oo. Nagre-ready naman ako, sabi ko nga, ‘Diyos ko!’ noong nalaman ko na kontrabida ako rito,” nakatawang esplika niya.”Sabi ko, ‘Shucks! Sana di third party.’ Kasi malamang yun ang pinakaano hahaha!

READ MORE:  Dayanara, makikipag-meet-up kina Aga, Cesar at Ariel

“Pero, actually ang bait ng fans nila. Kasi nag-post ako noong nag-story con, nag-post ako ng picture naming tatlo nina Richard at Maine. In fairness yung reactions nila, ‘Sana ikaw yung kontrabida,’ ganoon. So, supportive sila at mayroong yung iba pa na nagsasabi naman na, ‘Sana ikaw ang kontrabida para maano mo, matulungan mo si Maine.’

“So in fairness naman, na ang bait nila, na ano… as if naman kailangan ng tulong ni Maine (sa acting), di ba?” Nakangiting pahayag pa ni Ina.

Inamin din ng bunsong anak nina Direk Laurice Guillen at Johnny Delgado na excited siya sa project na ito dahil isa siyang AlDub fan! “Excited ako sa project na ito talaga, kasi noong start pa lang ng AlDub, fan nila ako eh, sumusubaybay talaga ko sa kanila. So, kaya nae-excite ako na part ako ng show nila ngayon.”

READ MORE:  Anne curtis, kabado sa Round 2 Annekapal (Mapuno kaya raw muli ang Smart Araneta?)

Sa mga kontrabida role na ginawa mo, minsan ba ay nagiging peg mo ang dad mo na kilalang premyadong kontrabida rin noong nabubuhay pa siya?

Tugon ni Ina, “Minsan parang ganoon, minsan feeling ko ay parang sumasapi sa akin si Daddy. Naalala ko lagi yung mga little pointers niya, kasi hindi naman talaga siya nagtuturo masyado.

“Pero naaalala ko ang mga pointers niya kapag ano, lalo na kapag nagkokontrabida ako. Kasi si daddy, parang ang style niya, ‘yung hindi mo alam kung ano ang susunod niyang gagawin. Kaya lagi kong tina-try na ma-achieve iyon. So kapag napapansin ko na parang nagiging predictable na ang ginagawa ko, tina-try ko talagang baliin yun.

“Oo, iniisip ko ang daddy ko kapag ganoon, kasi magaling siyang kontrabida talaga.”

READ MORE:  Atak Araña, guardian angel si Direk Wenn Deramas

Bago ang Destined To Be Yours, huling napanood sa GMA-7 si Ina sa Hanggang Makita Kang Muli last year. Kaya nasabi rin ng aktres na masaya siya sa suporta ng GMA-7 sa kanyang career. “Happy ako sa suporta ng GMA. Actually, maganda yung pasok ng 2017 sa akin. ‘Tsaka at least yung roles ko ngayon nagva-vary, iba-iba siya. Iyong ngayon, parang ano naman ako, kontrabida na para raw akong lalaki, pero hindi tomboy. Kasi parang rival kami ng kapatid kong lalaki, tapos parang gusto kong makuha yung atensyon ng tatay namin. Pero favorite niya yung lalaki, so parang as an effect, nagpapakalalaki ako.

“So yun, pati iyon inaaral ko kung paano ko siya gagawing iba roon sa previous na roles ko,” saad pa ni Ina.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved