Friday , December 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bagong papa ni Andi Eigenmann kabog sa itsura ni Jake Ejercito (Payat kasi at mahaba ang hair)
Bagong papa ni Andi Eigenmann kabog sa itsura ni Jake Ejercito (Payat kasi at mahaba ang hair)

Bagong papa ni Andi Eigenmann kabog sa itsura ni Jake Ejercito (Payat kasi at mahaba ang hair)

IN fairness to Jake Ejercito, responsableng daddy naman siya sa anak nila ni Andi Eigenmann na si Ellie kaya’t napaka-unfair para sa actor na i-compare siya ni Jaclyn Jose sa bagong karelasyon ni Andi na si Emilio Arambulo na isa raw modelo at mula sa rich clan.

Sa latest message post kasi ni Jaclyn sa Instagram account nito ay obyus na pinatatamaan nito si Jake nang puri-purihin si Emilio.

“Thank you for being with my Belle when she needed a father image. I truly admire you for loving my child and my grandchild.”

Sinundan pa ng mga mensaheng, “At that night, you proved that you’re capable of taking care of my Belle. There’s so  much observation, looking for a mistake: Sa isip ko, isang pagkakamali mo lang, pero wala, you proved with no effort at all that you can indeed be there for Ellie when her mom is asleep…kasi di naman ako makapag-thank you sa wala.”

READ MORE:  Misters of The Philippines 2014, inilunsad bilang Unisilver Timebassador

So parang ibig sabihin ni Ms. Jose ay wala siyang dapat na ipagpasalamat kay Jake. Ano kaya ang reaction dito ng anak nina Mayor Erap at Laarni Enriquez sa mga pahaging sa kanya ng ina ng ex-girlfriend na actress?

Mas makabubuting huwag na lang patulan gyud!

Pilot episode at performance
CAST NG “MY DEAR HEART”
PINURI ANG HUSAY
AT GALING NG NETIZENS

Noong Lunes, inabangan talaga namin ang pagsisimula ng bagong inspirational drama series ng Dreamscape Entertainment na “My Dear Heart.”

READ MORE:  Death is the happiest event of my life

At tulad ng inaasahan ay hindi na naman kami binigo kasama ng iba pang mga tumutok sa aming expectation na isang masterpiece ang nasabing soap sa ganda ng istorya at aral na mapupulot sa bawat karakter na nagsisiganap.

Pinangungunahan ng bagong tuklas na Kapamilya child star na si Nayomi “Heart” Ramos, Zanjoe Marudo, Bela Padilla at Ms. Coney Reyes.

Hayan dahil sa tagos sa puso ang unang episode ng “My Dear Heart” ay agad nag-number one trending sa social media at kaliwa’t kanan din ang mga papuring tinanggap ng lead starts.

Tweet ni @CrshSrmntDmby, “another masterpiece of ABS-CBN Primetime Bida!”

READ MORE:  Self-titled album ni Garth, nai-release na rin

Mula kay @detteAC, hanga siya sa husay ni Zanjoe dito, “for me si Zanjoe ‘yung pinaka-effective na gumanap na tatay sa mga teleserye, ‘yung madadala ka sa portrayal niya.”

At hindi rin nagpakabog ang tweet ni @jsagada94 na isa sa fanatics ni Ms. Coney, na walang kupas ang husay at galing sa karakter na masama at nagiging mabuti sa huli. “I liked the story, kaabang-abang si Ms. Coney Reyes, a big clap sa isang dekalidad na teleserye…!” Hirit ng avid supporter ng veteran actress.

Napapanood gabi-gabi ang My Deart Heart, pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano ng Hari ng Telebisyon na si Coco Martin.

VONGGANG CHIKA – Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved