Wednesday , January 23 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Tulak bulagta sa buy-bust
Tulak bulagta sa buy-bust

Tulak bulagta sa buy-bust

CAMP OLIVAS, Pampanga – Binawian ng buhay ang isang hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng San Fernando Police sa isinagawang anti-drug buy-bust operation sa Brgy. San Agusin, City of San Fernando sa nabanggit na lalawigan kamaka-lawa.

Ayon sa ulat Senior Supt. Joel R. Consulta, Pampanga Police provincial director, sa tanggapan ni Chief Supt. Aaron N. Aquino, Police Regional Office-3 director, kinilala ang biktima sa alyas na Renan, matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad kaugnay sa ilegal na droga.

Agad binawian ng buhay ang biktima makaraan makipagpalitan ng putok sa pulis sa anti-drug operation sa Brgy. San Agustin ng nabanggit na lungsod. (LEONY AREVALO)

COMMENTS

About Leony Arevalo

Scroll To Top