Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Tserman sugatan sa boga
Tserman sugatan sa boga

Tserman sugatan sa boga

SUGATAN ang isang barangay chairman na nagrekomenda nang pagsasagawa ng Oplan Tokhang sa kanilang barangay, makaraan ba-rilin ng hindi nakilalang lalaki habang abala sa pangangasigawa sa pagdiriwang ng pista sa kanilang lugar sa Tondo, Maynila.

READ MORE:  Impluwensiya ni PNoy sa korte itinanggi (Sa hospital arrest kay JPE)

Ang biktimang si William Ypon, alyas Chengay, chairman ng Barangay 101, Tondo, Maynila, residente ng Building 26, Unit 305, Brgy. 101, Katuparan, Vitas, Tondo, ay tinamaan ng bala sa kanyang pigi.

READ MORE:  Fratman tetestigo sa Atio hazing slay

Sa report ni Supt. Robert Domingo, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 1 (Raxabago), dakong 4:30 pm kamakalawa nang maganap ang insidente sa pagitan ng Building 26 at 27 sa Vitas.

READ MORE:  Pagdilao new NCRPO chief

Naniniwala ang mga awtoridad na may kaugnayan ang insidente sa pagrekomenda ng biktima na magsagawa ang mga pulis ng Oplan Tokhang sa kanyang nasasakupan.

(LEONARD BASILIO)

COMMENTS

About Leonard Basilio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved