Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Totoy napisak sa truck
Totoy napisak sa truck

Totoy napisak sa truck

PISAK ang katawan  ng isang 13-anyos binatilyo makaraan masagasaan ng truck nang mahulog habang naglalambitin sa nasabing sasakyan sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Mark Harold Ba-tula, Grade 7 at residente ng 30-7 Camia St., Brgy. Maysilo, hindi na umabot nang buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon.

READ MORE:  Napoles iginiit ilipat sa Makati City Jail

Nakapiit na sa him-pilan ng pulisya ang truck driver na si Rene Bajar, 39, ng M.H. Del Pilar St., kanto ng Tongco St., Brgy. Maysilo.

READ MORE:  Rape suspect nagbigti sa kulungan

Sa imbestigasyon ni SPO1 Arnel Sinahon, ng Malabon Police Traffic Unit, dakong 2:00 pm, nakita ng saksing si Julito Macalinao, 13, ang biktima habang naglalambitin sa kanang bahagi ng Isuzu dump truck (RJG-264) na minamaneho ni Bajar.

READ MORE:  DQ vs ER Ejercito isinapinal na ng SC

Habang tinatahak ng truck ang kahabaan ng M.H. Del Pilar St. ay na-kabitaw ang biktima kaya nahulog at nagulungan ng nasabing sasakyan.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved