Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Shabu pinalitan ng tawas, 2 kelot itinumba ng katransaksiyon
Shabu pinalitan ng tawas, 2 kelot itinumba ng katransaksiyon

Shabu pinalitan ng tawas, 2 kelot itinumba ng katransaksiyon

ZAMBOANGA CITY – Wala nang buhay ang dalawang lalaki nang maabutan ng mga pulis sa Purok 6-B, Brgy. Recodo sa Zamboanga City makaraan barilin ng hinihinalang mga drug pusher kamakalawa.

READ MORE:  Mababang welga ibinida ni PNoy

Kinilala ang mga biktimang sina Jeffrey Agustin Ventura, 18, at si Nurvin Sugala Josena, 28-anyos.

Ayon sa imbestigasyon ng Ayala Police Station, bumili ang mga biktima ng ilang pakete ng shabu ngunit nadiskobre nilang tawas ang ibinigay ng drug pusher.

READ MORE:  6 suspek utas sa parak (Sa Maynila)

Tatlong beses na pabalik-balik sa lugar ang dalawang biktima para isauli ang nabili nilang tawas.

Ayon sa saksi, sa huling pagpunta, sandaling nakipag-usap ang mga biktima ngunit pagkaraan ay pinagbabaril ng apat na lalaki.

READ MORE:  Naburyong na sekyu namaril saka lumundag sa building

Lumabas sa impormasyon, posibleng nagsisilbing mga police asset ang dalawang biktima kaya pinatay ng mga suspek.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved