Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Katarungan sa SAF44
Katarungan sa SAF44

Katarungan sa SAF44

BUKAS muling gugunitain ang ika-2 anibersaryo ng Mamasapano Massacre. Taong 2015 nang tambangan ng mga rebeldeng Muslim ang grupo ng Special Action Force na nagresulta sa pagkakapatay ng 44 miyembro nito sa isang operasyon sa Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.

Mailap ang hustisya para sa tinaguriang SAF44. Hanggang ngayon, matapos ang dalawang taong madugong pananambang ng MILF at BIFF, wala pa ring katarungang nakakamit ang mga naulila ng SAF44.

READ MORE:  Luggage ni VP Leni Robredo nagasgas daw sa airport?

Sa ngayon, hindi iilan ang nanawagan na bukod kay dating PNP chief Alan Purisima, kailangang papanagutin din si dating Pangulong Noynoy Aquino, bilang commander in chief, na siyang responsable kung bakit nangyari ang pagkakapatay sa 44 na miyembro ng SAF.

READ MORE:  Solaire valet parking burara ba sa seguridad!?

Nitong  nakaraang Huwebes, mismong si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang nagsabing makikipagpulong siya sa mga biyuda ng SAF44 bilang bahagi ng paggunita sa Mamasapano Massacre.

READ MORE:  Atenista, utak ng AlphaNetworld pyramiding scam?

Umaasa ang mga naulila ng SAF44 na sa bagong pamunuan ni Duterte, ang kawalang hustisya sa ilalim ng pamahalaan ni Noynoy ay hindi na mangyayari, at sa kalaunan mapapanagot ang mga responsable sa pagkakapaslang sa 44 na miyembro ng SAF.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved