Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 1 patay, 2 sugatan sa niratrat na saklaan
1 patay, 2 sugatan sa niratrat na saklaan

1 patay, 2 sugatan sa niratrat na saklaan

PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang kanyang nakatatandang ka-patid at ang 60-anyos ginang makaraan pagbabarilin ng isa sa tatlong hindi nakilalang mga suspek sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon Police Senior Insp. Delta Navarra ang namatay na si Romnick Cruz, 27, habang ginagamot sa Tondo Medical Center ang kuya niyang si Ronald Cruz, 36, kapwa ng 103 Dulong Ugnatan Burgos St., Brgy. Concepcion, at si Lolita Panganiban, ng 1292 M. Naval St., Brgy. San Roque, Navotas City.

READ MORE:  Escort chopper ni Gazmin 2 kalihim, bumagsak (Piloto, bystander sugatan)

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis u-pang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa krimen.

READ MORE:  Sekyu tiklo sa pagnanakaw sa among Chinese

Sa imbestigasyon nina SPO1 Rolando Hernando at PO2 Benjamin Sy Jr., dakong 11:20 pm, nag-uusap ang magka-patid sa harap ng saklaan sa Dulong Ugnatan St., nang biglang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ang mga biktima, habang nagsilbing lookout ang dalawa pa.

READ MORE:  Bebot arestado sa pagbebenta ng fake gold bar

Tinamaan din ng bala ang ginang na napadaan lamang sa nasabing lugar.

Isinugod ang mga biktima sa pagamutan ngunit binawian ng buhay si Romnick.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved