Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ria, pressured na patunayan ang sarili; Coney, pinuri ang batang aktres
Ria, pressured na patunayan ang sarili; Coney, pinuri ang batang aktres

Ria, pressured na patunayan ang sarili; Coney, pinuri ang batang aktres

KASAMA si Ria Atayde sa teleseryeng My Dear Heart at dahil baguhan tinanong ang dalaga kung pressured siya dahil tiyak na ikukompara siya sa  nanay niyang si Sylvia Sanchez at kapatid na si Arjo Artayde na parehong mahusay sa kani-kanilang teleseryeng The Greatest Love at FPJ’s Ang Probinsyano.

Bagamat lumabas na sa Maalaala Mo Kaya si Ria at nanalo pa bilang Best New Female Personality sa nakaraang Star Awards for TV ay napansin na rin siya sa Ningning at  Ipaglaban Mo noong nakaraang taon.

Hindi naman itinanggi ni Ria na may pressure talaga, “kahit po nakalabas na ako sa teleserye, parating may pressure kasi ang galing naman talaga nina mommy at Arjo.  I’ll be like in helps they’re both very supportive in terms of what I do. They don’t judge, they don’t tell me that what I’m doing is wrong. Ang ginagawa lang nila is igina-guide lang nila ako.”

READ MORE:  May limitasyon ang mga artista bilang public property

Nagpapasalamat nga raw ang dalaga dahil maski raw anak siya ni Sylvia at kapatid siya ni Arjo ay naniniwalang gagawa rin siya ng pangalan niya sa industriya pagdating ng araw.

Samantala, tinanong si Ria kung ano naman ang masasabi niya na gaganap siya bilang anak ni Ms Coney Reyes?  Hindi ba siya nailang bilang baguhan?

”Prior to the show, Tita Coney texted my mom about our family na she’s happy. Kasi si tita Coney, siya ‘yung unang nagbigay ng chance kay mommy na mag-drama, sa Coney Reyes on Camera.  That was the first time that they took my mom seriously kaya naging dramatic actress siya.

READ MORE:  Korina at Robin, nagbigay-tulong sa mga Badjao

“Kaya she texted my mom na natutuwa siya na iyon na ang narating ng mommy ko at ‘yung mga anak niya na nasa showbiz na rin.

“Ito naman si mommy sinabi niya na i-text si tita Coney at mag-thank you raw kami.

“So, prior from auditioning for the role, nag-text agad ako kay tita Coney telling her na kapag nakuha ko ang role, magiging anak niya ako rito sa ‘My Dear Heart’, tapos sabi nga po niya (Coney), ‘if it’s God’s plan, it will be yours. But I will pray for agood outcome.

“I wasn’t naman intimidated because she (Coney) was very sweet. Sa text pa lang, nagkakilala na kami. Feel mo na ‘yung warmth niya and so I was at home agad,” kuwento ng dalaga.

READ MORE:  Dingdong, makikipag-co-produce sa Star Cinema

At ano naman ang masasabi ng batikang aktres kay Ria?

“I guess it’s natural a young actress like her coming from a family of renowned actors. To be compared to like her mother and brother, I think she will shine on her own time. She will because she works hard and I could already feel her love para sa trabaho niya, eh.

“Iba kasi ‘yung nararamdaman mo na ang bata gusto lang kumita ng pera, iba ‘yung gusto lang sumikat. Iba ‘yung batang alam mo na gustong karerin ang ginagawa, may passion siya (Ria) for that. And Ria is one of those young actresses,” magandang sabi ni Ms Coney.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved