Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ria Atayde, masayang maging bahagi ng My Dear Heart

Ria Atayde, masayang maging bahagi ng My Dear Heart

MULING mapapanood sa isang drama series si Ria Atayde via ABS CBN’s My Dear

Heart na magsisimula na ngayong gabi, pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. Bale, na-move nang kaunti ang time-slot ng A Last To Love na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Ian Veneracion na mapapanood na starting tonight, pagkatapos naman ng My Dear Heart.

Anyway, ang bagong TV series ng Dos ay tinatampukan nina Coney Reyes,  Zanjoe Marudo, Bela Padilla, Heart Ramos. Kasama rin sa cast sina Robert Arevalo, Rio Locsin, Joey Marquez, Susan Africa, Eric Quizon, at Loisa Andalio

Sa direksyon nina Jerome Pobocan at Jojo Saguin.

Gaganap si Ria bilang si Gia, ang college sweetheart ni Zanjoe sa My Dear Heart at nang malaman ng ina ng dalaga na gagampanan naman ni Coney bilang si Dr. Divinagracia ay pinaglayo niya ang dalawa at ipinadala sa ibang bansa ang anak.

Masaya si Ria na maging bahagi ng bagong TV series na ito, although aminadong nakakaramdam ng pressure dahil siguradong maikokompara siya sa inang si Ms. Sylvia Sanchez at kapatid na si Arjo Atayde na parehong mahusay sa kani-kanilang teleseryeng The Greatest Love at FPJ’s Ang Probinsyano.

READ MORE:  Angeline, ginagamit si Erik sa promo ng album

“Kahit po nakalabas na ako sa teleserye, parating may pressure kasi ang galing naman talaga nina mommy at Arjo. They’re both very supportive in terms of what I do. They don’t judge, they don’t tell me that what I’m doing is wrong. Ang ginagawa lang nila is gina-guide lang nila ako,” wika ni Ria na nanalo bilang Best New Female Personality sa nakaraang Star Awards for TV.

Ayon pa sa aktres, si Coney ang unang nagbigay ng chance kay Ms. Sylvia na mag-drama sa dating drama series nito na Coney Reyes on Camera. “That was the first time that they took my mom seriously kaya naging dramatic actress siya. Kaya she texted my mom na natutuwa siya na iyon na ang narating ng mommy ko at ‘yung mga anak niya na nasa showbiz na rin. Ito namang si mommy sinabi niya na, ‘I-text nyo si Tita Coney ninyo at mag-thank you kayo.’

READ MORE:  Ang Babaeng Humayo pasok sa Venice Filmfest

“So, prior from auditioning for the role, nag-text agad ako kay Tita Coney telling her na kapag nakuha ko ang role, magiging anak niya ako rito sa My Dear Heart, tapos sabi nga po niya, ‘If it’s God’s plan, it will be yours. But I will pray for a good outcome.’ I wasn’t naman indimidated because she (Coney) was very sweet. Sa text pa lang, nagkakilala na kami. Feel mo na ‘yung warmth niya and so I was at home agad.”

Samantala, nakakatuwa naman ang pagiging supportive mother ni Ms. Sylvia sa kanyang anak na si Ria base sa kanyang post sa Instagram. “Napaproud ako sayo potpot @riaatayde  =Ø habang pinapanood kita naluluha ako ahahaha sige, abutin mo pangarap mo =Ø kaya mo yan =Øikaw pa?? Go anak! Fly high!! at ipagdadasal kong maabot mo lahat ng mga pangarap mo sa buhay basta wala kang tatapakan kahit na sino =Øwear ur good heart all the time, stay humble potpot=Ø yahoooo!! #proudmom =Ø =Ø =Ø thank you tita @coneyreyes sa pag alalay kay ria at sa mga sinabi mo about ria, nakarating po sa akin lahat, sobrang thank you tita coney =Ø pati anak ko nakaranas ng kabutihan mo gaya ng pagtulong mo sa akin non =Ø hinding hindi ko po makakalimutan ang laking naitulong mo sa akin =Ø ngayon anak ko naman makakasaama mo, yey! Happy =Øsalamat salamat po ta coney =O at sayo @onlyzanjoemarudo salamat din sa kabutihan mo kay ria d’ºlº kinekwento ka nya sa akin =Ø at bait na bait sya syo =Ø@dreamscape salamat sa pagtiwala nyo kay ria =Øappreciated! At thank you #abscbn Proud lang po = ==#iheartyou#primetimebida #myeverything #mylife #family #daughter #happiness#blessed #grateful #priceless #thankuLORD”

READ MORE:  Sharon, walang kapantay ang saya sa pagbabalik-Kapamilya

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved