Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Paul Sy, saludo sa galing ni Coco Martin
Paul Sy, saludo sa galing ni Coco Martin

Paul Sy, saludo sa galing ni Coco Martin

NAGULAT ako dahil napanood ko last week si Paul Sy sa Ang Probinsyano. Si Paul ay dating kilala bilang Wally Waley dahil impersonator siya noon ni Wally Bayola. Nang maging bahagi siya ng sitcom na Home Sweetie Home ng ABS CBN na tinatampukan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga ay naging Pareng Lino na ang screen name niya, na later-on ay naging Paul Sy.

READ MORE:  Female singer, pinagtataguan ng mga nail salon staff dahil sa kakuriputan

Anyway, bukod kay Lloydie, nalaman namin kay Paul na si Coco Martin ang isa sa aktor na sinasaluduhan niya. Nang napanood ko siya sa Ang Probinsyano ay nakipag-chat ako kay Paul at pawang magagandang salita ang narinig ko sa kanya para sa tinaguriang Teleserye King.

READ MORE:  Pop Princess, outstanding ang galing sa Miss Granny

“Napaka-professional ni Coco at napakabait po and supportive sa lahat, pati na sa mga crew. Sa Cebu kami nag-taping, parang Bugoy-Bugoy po role ko roon, nagsasama para makuha ang one milyon na reward para sa ulo ni Cardo (Coco).”

May nagalit ba sa iyo dahil sinumbong mo si Cardo?

READ MORE:  Marian, certified Flopsina Queen!

Nakatawang sagot ni Paul, “Hehehe, may mga ilan, pero pabiro lang naman.”

Sa pelikula naman, mapapanood din si Paul sa Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa na isang Cinemalaya entry. Pinagbibidahan ito ni Alfred Vargas at mula sa pamamahala ni Direk Perry Escaño.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved