Wednesday , June 19 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Kelot patay sa bugbog ng 3 suspek sa Caloocan

Kelot patay sa bugbog ng 3 suspek sa Caloocan

PATAY ang isang lalaki makaraan pagtulungan bugbugin ng tatlong suspek sa Calaoocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima sa pangalang Rommel, 30 hanggang 40-anyos, habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Ferlito Yson, taga-BMBA Compound, 2nd Ave; Dave Acuña, at isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Ayon sa ulat, dakong 9:30 pm nakaupo ang biktima sa tabi ng Marsman Motel sa kanto ng Rizal Avenue Extension kanto ng 2nd Ave., Caloocan City nang dumating ang mga suspek na pawang lasing at pinagtulungan bugbugin ang biktima na nagresulta sa pagkamatay.

Sa footage ng CCTV, nakita ang insidente ng pagbugbog sa biktima kaya nakilala ang mga suspek.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top