Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Janine Gutierrez magpapagahasa sa bagong teleserye (Tuloy na sa pagpapa-sexy)
Janine Gutierrez magpapagahasa sa bagong teleserye (Tuloy na sa pagpapa-sexy)

Janine Gutierrez magpapagahasa sa bagong teleserye (Tuloy na sa pagpapa-sexy)

THIS 2017 ay isang malaking proyekto ang nakatakdang gawin ni Janine Gutierrez sa kanyang mother network na GMA at maselan ang plot ng kuwento na tatalakay sa babaing na-rape at nabulag.

Makakasama ni Janine sa seryeng “Legally Blind” ang leading man na si Mikael Daez plus Lauren Young na tulad niya ay naging kasintahan din ng ex-boyfriend na si Elmo Magalona. Hindi naman daw kasing violent ng Angela Merkado na na-gang raped si Hilda Koronel sa movie ang eksena ni Janine pero brutal din ito dahil ikinabulag nga ng karakter ng young actress.

Oo naman may masisilip sa katawan ni Janine dahil ginahasa siya pero gagawin ito in a good taste na hindi mababastos ang dalaga ni Lotlot de Leon. Una nang nagpakita ng kaseksihan si Janine sa calendar ng sikat na gasoline station.

Aktor mas lumalim ang acting sa “My Dear Heart”
ZANJOE MARUDO GAGANAP NA LOVING
AND POSITIVE DAD NI NAYOMI “HEART” RAMOS

Ikinatutuwa ni Zanjoe Marudo ang mga papuring bagay siya sa father roles, na unang ginampanan ng aktor sa “Analiza.” Gumanap siya ritong ama ni Andrea Brillantes at nasundan ng “Dream Dad” nila ni Janna Agoncillo.

Ngayong taon ay masaya si Zanjoe at binigyan uli siya ng trabaho ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment para maging parte ng all-star cast ng “My Dear Heart” at siya ang magiging tatay ng bagong tuklas na Kapamilya childstar na si Nayomi Ramos bilang “Heart” na may sakit sa puso.

Gaganap na misis ni Zanjoe sa soap si Bela

Padilla na hindi rin matatawaran ang husay sa pag-arte and honestly kung pagbabasehan ang full-trailer ng “My Dear Heart” ay mas lumalim ang acting ni Z (tawag kay Zanjoe) rito at nakikipagsabayan talaga siya sa husay ni Ms. Coney Reyes Mumar at iba pang premyadong artista.

Samantala, kamakailan lang sa kanilang grand presscon ay pinasalamatan ng Kapamilya actor ang mga taong nagtiwala sa kanya sa bagong serye.

“Itong si Jude na bagong character ko ngayon, nagpapasalamat ako kay sir Deo (Endrinal) at sa Dreamscape. ‘Di ba, nata-tag ako as tatay pero ini-offer pa rin nila ako. Ibig sabihin tama ang nagagawa ko. ‘Yung parang gumagaling para sa akin kasi, obligasyon ko ‘yon sa network na pinagtatrabahuhan ko.”

Ikinuwento rin ng aktor, marami siyang natutunan sa pag-portray ng dad role.

“Actually marami naman akong natutunan kasi lahat ng ginampanan kong tatay, ‘yung part noon nasa loob ko rin. Siguro dapat talaga galing sa puso lahat at iiwan mo lahat para sa anak.”

Ipinagmamalaki rin ni Zanjoe si Heart, na kahit baguhan ay may ibubuga sa pag-arte at madali raw siyang nakampante sa bata.

“Ang bilis kong nakampante sa kanya kasi noong nag-audition siya, kaming dalawa ‘yung laging magkaeksena. Kumbaga nagtatanungan kami ni direk Jerome (Pobocan), sabi ko, parang nararamdaman ko ang batang ito na puwede kong maging anak.”

At nangyari na nga, at gabi-gabi na ninyong makakasama ang mag-ama simula ngayong 23 Enero pagkatapos ng most watched na action-drama series ni Coco Martin na “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN Primetime Bida.

INA RAYMUNDO PUWEDENG
MAGING BOYFRIEND
SI BAE KIM SA “TROPS”

Even she has five kids, na courtesy of her Canadian-Ukranian businessman Brian Poturnak ay certified hot momma pa rin ang dating ni Ina Raymundo na napapanood daily sa Youth Oriented TV Prog ng Tape Inc at APT Entertainment na TROPS.

At dahil parang nasa 20s lang ang age ay pasado at puwede pang maging boyfriend ni Ina si Bae Kim na isa sa gumaganap na students niya sa isang university.

Si Baste (Marco Alcaraz) ang boyfriend niya sa millennial series na niloloko lang siya habang si Kim ay pinoprotektahan siya dahil may pagtingin nga sa kanya ang guwapong member ng BAES.

Bibigyan kaya ni Bb. Macaoba (Ina) ng chance ang binata para ligawan siya?

Abangan ‘yan sa TROPS, na super taas ang ratings sa AGB Nielsen siyempre bago mag-Eat Bulaga sa GMA-7.

VONGGANG CHIKA!Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved