Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Badjao utas sa boga ng CSF (Nagtitinda ng cellphone sa kalye)

Badjao utas sa boga ng CSF (Nagtitinda ng cellphone sa kalye)

PATAY ang isang  katutubong Badjao nang barilin ng isang miyembro ng City Security Force (CSF) ng Manila City Hall, habang nagbebenta ng cellphone sa mga driver ng truck sa A. H. Lacson Avenue, Sampaloc, Maynila kahapon.

Kinilala ang biktimang si Jimmy Saed, miyembro ng Badjao tribe, naninirahan sa Angeles, Pampanga, isang linggo pa lamang nananatili sa lugar at kalalabas mula sa Manila Reception and Action Center shelter.

READ MORE:  Remedyong talyer ‘di na pwede sa MRT — NCFC

Habang naaresto ang suspek na si Renato Ramos, 43, miyembro ng CSF ng Manila City Hall at re-sidente sa Tindalo St., Tondo, Maynila, nakilala sa pamamagitan nang nahulog na cellphone at ID habang tumatakas lulan ng motorsiklo. Sa imbestigasyon ni PO3 Rodel Benitez, dakong 12:30 am nang maganap ang insidente sa A. H. Lacson Avenue. Batay sa salaysay ng ka-patid ng biktima na si Jess Said, nagbebenta sila ng cellphone sa mga driver ng truck na dumaraan sa lugar nang biglang dumating ang suspek na lulan ng motorsiklo at binaril sa sentido si Jimmy. Tinangka rin aniya siyang barilin ng suspek ngunit hindi siya tinamaan.

READ MORE:  Parating na bagyo lalo pang lumakas
READ MORE:  6 tulak timbog sa drug den sa Bulacan

(LEONARD BASILIO)

COMMENTS

About Leonard Basilio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved