Tuesday , September 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 60-anyos lola patay sa ambush
60-anyos lola patay sa ambush

60-anyos lola patay sa ambush

BINAWIAN ng buhay ang isang 60-anyos lola makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem makaraan dumalaw sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City kahapon.

Kinilala ang biktimang si Fatima Failan, ng Gate 1, NBP Reservation, Brgy. Poblacion ng lungsod.

Sa inisyal na ulat na isinumite ni Supt. Jenny Tecson ng Public Information Office (PIO) ng Southern Police District (SPD), dakong 12:30 pm nang mangyari ang  insidente sa likod ng NBP Post Office, katabi ng KORAMFIL Mission, Inc. Church, Gate1, NBP Reservation, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.

Nagsasagawa nang masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam kung may kaugnayan sa droga ang pagpaslang sa biktima. (JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved