Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Paglaladlad ni Jerome Alecre, ‘di na click
Paglaladlad ni Jerome Alecre, ‘di na click

Paglaladlad ni Jerome Alecre, ‘di na click

MAY mga nagsasabi na kaya hindi masyadong pinag-uusapan ang pag-come out  ni Jerome Alecre ng Pinoy Big Brother Regular Housemates ukol sa pagiging gay ay dahil may gumawa na nito sa PBB noon, si Rustom Padilla.

Sa totoo lang, puwede namang hindi niya ito sabihin dahil nga sa loob ng Bahay Ni Kuya, ‘di naman siya nakitaan ng pagkabakla, sa kilos, pananamit, at pananalita.

READ MORE:  Ratings ng It’s Showtime, patuloy na tumataas

Basta ang alam lang natin, maka-Nanay si Jerome at sa edad na mahigit 30, single pa.

Inamin  ito ni Jerome noong New Year habang ang lahat ay abala sa pag-eestima ng kanilang mga bisita at ang iba ay nagluluto ng kanilang media noche.

Hindi gaanong napag-uupan ang pag-come out ni Jerome.

READ MORE:  Hitsurang nagbabasa ng pasyon!

Mayroon namang nagsasabi na kahit inamin na ni Jerome na gay siya hindi nagbabago ang pagtingin nila rito na may malaking tungkulin sa isang ospital sa US bilang Nurse.

Nagpang-abot noon ang  Regular Housemates at ang Teen Housemates at may mga episode sa PBB na close na close sina Jerome at Yong. Idol nga raw ni Yong si Jerome at gusto nitong tulungan si Yong dahil more or less, nakikita niya ang struggle nito during his youth dahil mahirap din ang ang pamilyang pinanggalingan niya.

READ MORE:  Aktres, walang iniwan sa mga beking masyadong particular sa sukat ng noches

Ano kaya ang reaksiyon ni Yong sa pag-come out ni Jerome? Mananatiling idol  pa rin kaya niya ito?

MAKATAS – Timmy Basil

COMMENTS

About Timmy Basil

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved