Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pacquiao ‘referee’ sa Trillanes vs Zubiri sa Senado

Pacquiao ‘referee’ sa Trillanes vs Zubiri sa Senado

NAGMISTULANG referee si Sen. Manny Pacquiao at iba pang mga senador dahil sa pag-awat sa muntikang pagpapang-abot nina Sen. Antonio Trillanes at Sen. Juan Miguel Zubiri.

Ito’y makaraan pagtalunan ng dalawa ang isyu ng posibleng whitewash sa imbestigasyon sa bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI).

READ MORE:  South African kinasuhan na sa 8.5 kilo ng cocaine

Nag-ugat ang bangayan sa pahayag ni Zubiri na dapat ang Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon ang mag-imbestiga sa sinasabing panunuhol ni Jack Lam sa ilang BI officials, bagay na hindi sang-ayon si Trillanes.

READ MORE:  P54-M botante boboto ngayon

Naunang sinabi ng dating sundalo na pinuno ng Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Conduct, na iimbestigahan ng kanyang komite ang kontrobersiya. Sa gitna ng kanilang pagtatalo, sinabi ni Trillanes, dapat ay maging handa sa giyera si Zubiri bagay na lalong nagpagalit sa senador kaya dinuro ang kasamahang mambabatas.

READ MORE:  SSS execs wala nang salary increase

Matapos ang pagtatalo, nagkamayan ang dalawa makaraan  mamagitan ng ibang mga senador.

(N.ACLAN/C.MARTIN)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved