Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Miss Italy, nahimatay habang isinasagawa ang Governor’s Ball

Miss Italy, nahimatay habang isinasagawa ang Governor’s Ball

011817 miss italy

Photos courtesy of Solar, LCS, MUO at Mario Dumaual ng ABS-CBN news

NAGULAT ang mga dumalo sa katatapos na Miss Universe Governor’s Ball na isinagawa sa SMX Convention Center noong Lunes ng gabi nang biglang mahimatay si Miss Universe Italy Sophia Sergio.

Ayon sa mga nakadalo sa Governor’s Ball, sa Parade of Nations  nangyari ang pagkahilo ng 24 taong gulang na beauty queen. Agad itong inalalayan palayo sa kasiyahan. Binigyan ng tubig at pagkaraan ng ilang minuto ay mabilis ding nawala ang pagkahilo.

READ MORE:  Vance Larena, biggest break ang Pelikulang Bakwit Boys

“Hi, I’m okey now,” sagot ni Sergio nang kumustahin ito.

Samantala, maraming personalidad ang dumalo sa Governor’s Ball. Ilan sa mga kilalang personalidad na nakitang naroon ay sina Pangulong Joseph Estrada, dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson, Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, Tourism Undersecretary Kat de Castro, at Senator Manny Pacquiao.

READ MORE:  The Story of Love, may kurot sa puso

Dumalo rin ang mga dating Pinay beauty queen na sina Miss Universe 1969 Gloria Diaz,  Miss Universe 1973 Margie Moran,  Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa. Naroon din sina Miss Universe  president Paula Shugart at ang socialite-actress na si  Gretchen Barretto.

READ MORE:  Louise Delos Reyes iniintrigang buntis kay Aljur Abrenica (Mataba at bumilog raw kasi nang husto!)

Ang pinaka-highlight ng gabi ay ang pagrampa ni Pia Wurtzbach.

Gaganapin ang koronasyon ng 65th Miss Universe sa Enero 30, lunes, na mapapanood sa ABS-CBN 2, 8:00 a.m.  ( M.V.N. )

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top