Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Koreano nahulog sa 23/F patay

Koreano nahulog sa 23/F patay

PATAY na nang matagpuan ang isang 30-anyos Korean national makaraan mahulog mula sa ika-23 palapag ng isang gusali sa Malate, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Yeo Sang Ryu, walang asawa, at nanunuluyan sa 2311 Bitch Tower Condominuim sa 1622 J. Bocobo St., Malate.

Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon Sanpedro ng Manila Police District Homicide Section, dakong 4:15 am nang maganap ang insidente sa nabanggit na condominium.

Nabatid sa isang residente ng nasabing gusali, may narinig silang malakas na sigaw mula sa tinutulu-yan ng biktima at pagkaraan ay natagpuan ang dayuhan na wala nang buhay.

(LEONARD BASILIO)

COMMENTS

About Leonard Basilio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved