Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bombera patay sa sakal ng dyowang may warshock

Bombera patay sa sakal ng dyowang may warshock

PATAY ang isang babaeng miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) makaraan sakalin ng kanyang kalive-in partner na dating sundalo na sinasabing may diperensiya sa pag-iisip kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan Police deputy chief, Supt. Ferdie Del Rosario ang biktimang si Ely Ann Insigne, 28-anyos, nakatalaga sa Valenzuela City BFP at residente ng 677 A. Marulas  St., Bgy. 36 ng lungsod.

READ MORE:  Ping for President larga na (Suporta ng LGUs naikasa na)

Habang naaresto ng mga pulis ang suspek na si Dexter Tulaylay, 27-anyos, natanggal sa serbisyo sa pag-AWOL.

Sa ulat nina SPO4 Joel Montebon at PO2 Alvin Pascual, dakong 7:30 am nang maganap ang insidente sa loob ng inuupahang bahay ng mag-asawa.

READ MORE:  Bagyong Falcon nanatiling malakas

Salaysay sa pulisya ng mga saksing kapitbahay na sina Michelle Mañaol  at Catherine Borillo, sinabi sa kanila ng suspek na may patay sa loob ng kanilang bahay at nang kanilang tingnan ay nakitang wala nang buhay ang biktima.

READ MORE:  Mega-lab ng shabu sa arayat sinalakay

Inamin ng suspek ang pagpatay sa biktima sa pamamagitan ng pagsakal sa leeg.

“Inalay ko po siya sa itaas,” pahayag ni Tulaylay.

Hinala ng mga pulis, posibleng naapektohan ang pag-iisip ng suspek dahil sa warshock.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved