Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 7 death toll sa sumabog na LPG station

7 death toll sa sumabog na LPG station

MANILA – Umakyat na sa pito ang bilang ng mga namatay sa pagsabog sa Omni Gas Corporation nitong nakaraang linggo sa lungsod ng Pasig.

“Unfortunately, this morning, may natanggap kaming information na mayroon nadagdag na dalawa,” ayon kay S/Supt. Wilberto Neil Kwan Tiu, regional director ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng National Capital Region.

READ MORE:  Modernong full body scanner nasa NAIA na

Ang impormasyon ay kinompirma rin ng Pasig City-BFP.

Ayon kay Chief Inspector Anthony Arroyo, kasalukuyan nilang inaalam ang pagkaka-kilanlan ng dalawa pang namatay.

READ MORE:  Pardon igagawad sa pulis na papatay sa drug pusher

Anim sa 21 biktima ng pagsabog ang 80 porsiyento ang pinsala sa kanilang katawan.

Ayon kay Tiu, patuloy silang nagsasagawa ng follow-up investigation hinggil sa insidente.

“Kapag nakita po natin na mayroong sapat na ebidensiya ‘yung pangyayaring explosion at sunog doon po sa lugar na iyon ay magpa-file po ng reklamo ang Bureau of Fire Protection,” sabi ni Tiu.

READ MORE:  ‘Daluyong’ ni Glenda babala sa Luzon, Visayas

Ngunit dagdag niya, wala pang nagdedemanda at titingnan pa nila kung may kapabayaan ang Omni Gas Corporation sa pagtagas ng LPG.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved