Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Traffic sa Parañaque City lumuwag na rin sa wakas
Traffic sa Parañaque City lumuwag na rin sa wakas

Traffic sa Parañaque City lumuwag na rin sa wakas

Kamakailan, malugod na ibinalita ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na malaki na ang improvement ng daloy ng mga sasakyan sa lungsod lalo nang buksan ang mga pangunahing kalsada.

Nabawasan ang traffic jam at nabawasan ang oras ng pagbibiyahe.

‘Yan ay simula nang buksan ang Sucat Avenue at Doña Soledad Avenue.

Binuksan na rin ang C-5 Road patungong West ServiceRoad na tatagos sa Kalayaan patungong Merville hanggang sa Villamor.

Isa po tayo sa mga nakakaranas ng kaluwagan ngayon ng trapiko sa Sucat Avenue, dahil bukod sa pagbubukas ng mga pangunahing kalsada, full implementation na rin ang number coding at truck ban.

Kung dati ay inaabot tayo nang halos dalawang oras, aba, baka magulat kayo dahil halos 50 porsiyento ang ibinilis ng biyahe.

Kaya naman marami ang nagpapasalamat kay Mayor dahil positibo ang naging bunga ng mahabang pagtitiis at pagtitiyaga sa dati ay ma-traffic na daan.

Maraming salamat po, Mayor Edwin Olivarez!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  Daytime truck ban ni Iskorap (Isko-Erap) perhuwisyong tunay!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved