Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sylvia, umurong ang dila nang isorpresa ni Sharon
Sylvia, umurong ang dila nang isorpresa ni Sharon

Sylvia, umurong ang dila nang isorpresa ni Sharon

UNANG beses naming makita si Sylvia Sanchez na tila umurong ang dila nang isorpresa siya ng idolong si Sharon Cuneta sa Magandang Buhay kahapon (Lunes) dahil hindi siya nakapagsalita.

Guest sa pang-umagang programa nina Karla Estrada, Jolina Magdangal, atMelai Cantiveros kahapon si Ibyang at akala lang niya ang apong si Joshua Garcia ng The Greatest Love at best friend for life na si Smokey Manaloto ang surprise guest niya pero laking gulat ng aktres nang biglang tawagin ang Megastar. Nakunan pang naka-nganga ang bida ng TGL.

Trending worldwide noong Miyerkoles ng hapon ang The Greatest Love at nagtala ng rating na 20.4% at 18.2% naman noong Huwebes.

Bungad ni Sharon, ”long overdue na ito, eh. Isa si Sylvia sa pinakamagagaling na artista natin. Talagang touch na touch ako sa mga sinasabi niya noong mag-uumpisa ‘yung ‘The Greatest Love’.

READ MORE:  Kuya Boy, magpapakasal na rin?

“Matagal na akong humahanga kay Sylvia, si Tita A ‘yung manager niya, ‘di ba? Nanay-nanayan ko ‘yun, eh. Nakikita ko lang siya (Ibyang) kapag may get together, at mahusay siya.

“Natutuwa ako kapag may magaling na artista tapos nabigyan ng oportunidad na malaki. Tuwang-tuwa ako roon, isang industriya lang tayo, eh. And she’s really deserving. Congratulations, napakalakas at ang taas ng ratings ng ‘The Greatest Love’, grabe, parang ‘yung ‘Your Face Sounds Familiar’, ha, ha parang ‘Magandang Buhay’.

“Gusto ko ngang gumest (mag-guest sa ‘TGL’), kaso hindi ko alam kung paano ako papasok sa istorya, ha, ha, ha.”

At tanging lumabas na lang sa bibig ni Ibyang, ”megastar, eh, pinuntahan ka?”Hirit ni Sharon, “dahil mahal kita, at mahal ko itong show na ito.”

Wala pa ring masabi si Nanay Gloria kaya si Sharon na lang ang nag-imbita, ”since busy po si Sylvia dahil hindi nagsasalita, panoorin n’yo po ang ‘The Greatest Love’ napakagandang teleserye po.”

READ MORE:  Eric, ikinagulat ang pakikipaghiwalay ni Zsa Zsa kay Conrad

Puro buntong hininga ang naririnig sa mikropono ni Ibyang at, ”sino lang ba ako para puntahan ang isang Megastar?” Biglang hirit ni Sharon, “tigilan mo nga ‘yan, Diyosko.”

Nanginginig ang boses ni Sylvia habang pinasalamatan si Sharon, ”salamat sobra, sobra dahil kanta ko lang ‘yung star na ako lang ‘yung si Gloria ng ano..(hindi na alam ang sasabihin)

Salo ni Mega, ”bakit nila-lang mo ang sarili mo?”

Say naman ng TGL lead star, ”pinanood kita noon sa ‘Sana’y Wala Nang Wakas’, eh (biglang nangilid ang luha).”

Pahayag naman ni Shawie, ”alam mo sa atin, nabibigyan lang ng titulo, ‘yung iba sa atin, lumalakas ‘yung kita ng pelikula, mayroon sa atin nakalulusot pero lahat tayo magkakasama sa isang industriya. Hindi naman kami mabubuhay kung wala rin naman ‘yung ibang kasamahan natin, ‘di ba? So, like I said, that’s from the bottom of my heart. ‘Pag mayroong isang kasing talented mo na nabigyan ng napakalaking oportunidad.

READ MORE:  Aktres, nagmaldita sa fans

“And you are so deserving of this teleserye kaya nararamdaman din ng mga tagapanood ng ‘Greatest Love’ na napakalaki ng puhunan mo at ninyong lahat at stars. Ang laki ng inilalagay ninyo sa teleseryeng ito kaya bumabalik naman sa ‘yo.”

“Basta ako, nagpapasalamat ako ng pagkanta ng themesong namin (The Greatest Love of All) sobra. Maganda na ‘yung takbo ng istorya, pero mas maganda ‘pag nilapatan ng kanta mo,” katwiran ni Sylvia.

Samantala, nag-trending ulit si Ibyang sa guesting niya sa Magandang Buhaykahapon.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved