Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Suportado pa rin ng sambayanan si Pangulong Digong
Suportado pa rin ng sambayanan si Pangulong Digong

Suportado pa rin ng sambayanan si Pangulong Digong

SA  kabila  ng mga isyung ibinabato kay Pa-ngulong Rodrigo Duterte,  gaya ng extrajudicial killings  o EJK, ang kontrobersiyal na Marcos burial,  ang pagbibitiw ni Vice President Leni Robredo bilang housing czar at ang pagpatay kay dating  Albuera, Leyte mayor Rolando Espinosa, Sr., suportado pa rin siya ng taongbayan.

Base sa magkasunod na resulta ng survey ay nakakuha pa rin si Pangulong Duterte ng excellent rating.

Sa survey ng Pulse Asia sa huling bahagi ng 2016, na isinagawa noong Disyembre ay nakakuha si Pres. Digong ng 83 percent approval rating.

READ MORE:  Barangay narco-list nasaan na?

Ayon mismo sa Pulse Asia, nananatili ang pagkilala ng mas maraming Filipino sa mga nagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nakalipas na anim na buwan.

Isa sa mga isyung pumutok bago ang isinagawang  survey  ay  imbestigasyon  ng  Senado at National Bureau of Investigation kaugnay ng  pagpatay  kay Mayor Espinosa. Binatikos ang  administrasyon ni Pangulong Duterte sa mga nangyayaring EJK sa bansa, ngunit nanindigan pa rin si Pangulong Digong na walang kinalaman ang gobyerno sa extrajudicial killings na nangyayari at alam naman natin na hindi ito kukunsintihin ni Pangulong Digong.

READ MORE:  Buhay ni Mandirigma, nasa libro na!

Alam natin na maraming local government units ang sumusuporta kay Pangulong Duterte.

Kaya, Stop na kayo mga kritiko!

***

Naging matagumpay ang ginanap na Shootfest ng Bureau of Customs.

Binabati ko ang Customs Law Enforcement Shooting Club sa pangunguna ni Atty. Edward Ibera na napakasipag at ang buong officers nito.

READ MORE:  Pandaraya sa Customs

Dumalo ang magagaling na International shooters at siyempre nandiyan ang magaling na si Port of Subic Coll. Mimel Talusan.

Dumating si Comm. Nick Faeldon at Gen. Natalio Ecarma at ibang district collectors na sina Coll. Rey Galleno ng Batangas, Coll. Jet Maronilla ng MICP, Coll. Jamail Marohomsalic ng Davao at iba pa.

Congrats sa inyong lahat!

PAREHAS – Jimmy Salgado

COMMENTS

About Jimmy Salgado

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved