Thursday , January 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Pulis sa Tokhang for ransom sumuko sa NBI
Pulis sa Tokhang for ransom sumuko sa NBI

Pulis sa Tokhang for ransom sumuko sa NBI

HAWAK na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pulis na sangkot sa pagkidnap sa isang Korean bussinessman sa Angeles City noong Oktubre.

Ayon kay Justice Sec.Vitaliano Aguirre, si  SPO3 Ricky Sta. Isabel ay sumuko sa NBI kahapon ng umaga .

READ MORE:  Inakusahang rapist ng anak ama nagbigti

Ito ay ilang araw bago maglabas ang PNP ng manhunt operation laban sa suspek makaraan dumulog sa NBI ang misis ng biktimang si Jee Ick Joo.

Kabilang si Sta. Isabel sa suspek na nahaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa pagdukot sa biktima noong 18 Oktubre.

READ MORE:  Mag-utol dedbol sa parak (Tulak patay sa vigilante)

Si Sta. Isabel ay natukoy ng PNP Anti-Kidnapping Group, sa  security camera footage na isinakay ang biktima sa naghihintay na sasakyan.

Iniulat na nakita si Sta. Isabel sa survellaince video recording habang nagsasagawa ng serye ng withdrawals ATM account ni Jee.

READ MORE:  Wiretapping vs drug suspects isinulong ni Lacson

Una rito, nag-alok ng P100,000 reward ang maybahay ni Jee na si Choi Kyung Jin, sa makapagtuturo at makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng kanyang asawa.

(LEONARD BASILIO)

About Leonard Basilio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top