Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Media idinepensa ni Drilon (Misreporting sa martial law?)
Media idinepensa ni Drilon (Misreporting sa martial law?)

Media idinepensa ni Drilon (Misreporting sa martial law?)

IPINAGTANGGOL ni Senate President Pro-tempore Franklin Drilon ang mga mamamahayag sa naging akusasyon ng Presidential Communication team ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa sinasabing “misreporting” ng media sa isyu ng martial law.

Iginiit ni Drilon, tama ang naging report ng mga mamamahayag sa naging mga pahayag ng pangulo kaugnay sa pagdedeklara ng martial law.

READ MORE:  Sixto Walanghiya (Smartmatic midnight deal kasuka-suka)

Sinabi ni Drilon, ang mga news report ay base sa mga naging pahayag ng pangulo.

Aniya, hindi dapat sisihin ng Palasyo ang mga mamamahayag sa pagkakasulat o pagbabalita na ibinase sa pahayag ni Pangulong Duterte.

READ MORE:  Wish ni Erap pabor kay GMA sinopla ng palasyo

Kasabay nito, pinayohan ni Drilon ang Malacañang na dapat mag-ingat sa pagbibitaw ng mga salita sa publiko na magdudulot ng pangamba sa taumbayan partikular sa ipinaiiral na demokrasya sa bansa.

READ MORE:  Pampi Jr nagpalusot ng barko-barkong semento (Faeldon niresbakan si Ping)

Aniya hindi maitatago ang lumabas sa survey report  ng  Pulse Asia na 74 porsiyento ng mamamayang Filipino ang ayaw sa pag-dedeklara ng martial law kaya’t  dapat  iwasan ang ano mang pahayag na magdudulot  ng pangamba sa publiko.

(CYNTIA MARTIN)

COMMENTS

About Cynthia Martin

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved