Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Maliliit na negosyante sa probinsiya uunahin sa pautang (Kompetensiya sa 5-6)
Maliliit na negosyante sa probinsiya uunahin sa pautang (Kompetensiya sa 5-6)

Maliliit na negosyante sa probinsiya uunahin sa pautang (Kompetensiya sa 5-6)

PLANO ng Department of Trade and Industry (DTI) na unahing pautangin ang maliliit na negosyante sa malalayong probinsya.

Kasunod ito pahayag ng Department of Justice (DOJ) laban sa 5-6 o ang sistema ng pagpapautang ng mga Bombay.

Sinabi ni DTI undersecretary Teodoro Pascua ng Consumer Protection Group, inaayos nila ang paraan kung paano pauutangin ang maliliit na negosyante.

READ MORE:  Obrero patay sa saksak ng karibal

Ang pondo ay idaraan sa micro lending institutions at ang tubo ay hindi lalagpas sa 26 porsiyento kada taon o hindi tataas sa tatlong porsiyento kada buwan.

Gayonman, inilinaw ng opisyal, hindi tuluyang pagbabawalan ng ahensiya ang mga Bombay na magpautang ng 5-6 ngunit makikipagkompetensiya ang ahensiya sa kanila.

READ MORE:  Palasyo nakiramay sa pagpanaw ng Olympian

Puwedeng pahiramin ng DTI ang mga may-ari ng small businesses mula sa minimum na P5,000 hanggang sa maximum na P300,000.

Karaniwang suki ng mga nagpapautang ng 5-6  ang maliliit na mga negosyante. Kamakailan, sa pakikipagpulong ni DFA Secretary Perfecto Yasay kay Narayanan Ramakrishnan, ang Charge d’ affaires ng India sa Maynila, siniguro niyang walang partikular na nasyonalidad o ethnic group ang target ng administrasyong Duterte sa planong pag-alis sa sistemang pautang na 5-6. Pagtitiyak ni Yasay, nais nilang mabawasan ang 5-6 activities sa bansa nang walang sino mang mape-prehuwisyo.

READ MORE:  Hapon hinulidap ng ‘parak’

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved