Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Amazing: ‘Patay’ na lolo nabuhay
Amazing: ‘Patay’ na lolo nabuhay

Amazing: ‘Patay’ na lolo nabuhay

NAGULANTANG ang pamilya at mga nakikipaglibing nang biglang bumangon ang isang ‘patay’ na matandang lalaki habang ibinababa na sa hukay ang kanyang kabaong.

Ang 75-anyos pensioner, ay “tumigil sa paghinga” at lumamig na ang mga paa at kamay kaya inakala ng kanyang anak na si Huang, at mga kaanak, na siya ay patay na.

READ MORE:  Buhay sa mundo nilikha ng mga kometa

Mahinang-mahina na ang matanda kaya inakala ng kanyang pamilya na siya ay pumanaw na.

Ngunit sila ay nagulantang nang makaraan ang walong oras sa funeral service, binuksan ng matanda ang kahoy na kabaong, naupo at nagtanong sa kanyang mga anak, “Anong nangyari? Ililibing n’yo na ba ako?”

READ MORE:  Ang Zodiac Mo (April 08, 2016)

Nakita niya sa paligid na mayroon nang mga bulaklak, banners at naroroon na halos ang lahat ng kanyang mga kamag-anak para makipaglibing.

Mabilis na binuhat ng mga anak ang matanda mula sa kabaong at ibinalik sa kanilang bahay, at humingi ng tawad sa kanilang maling akala.

READ MORE:  Malaking pasasalamat sa Krystall products, cyst sa uterus natunaw agad

Nanatiling mahina ang pangangatawan ng matanda at hindi gaanong kumakain.

Ngunit masaya ang kanyang pamilya dahil kapiling pa rin nila ang kanilang ama.

Nangyari ang insidenteng ito sa Junlian County, sa south-western China’s Sichuan Province.

(mirror.co.uk)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved