Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Propagandista ba si Nikko ni Leni?
Propagandista ba si Nikko ni Leni?

Propagandista ba si Nikko ni Leni?

HINDI malaman kung reporter o propagandista itong si Nikko Dizon ng pahayagang Inquirer. Nakagugulat, kahit hindi naman kasi masasabing news ang isang kaganapan itinuturing pa rin niya itong istorya. ‘Ika nga, patol nang patol!

Mantakin ba namang bumisita lang si Vice President Leni Robredo sa isang komunidad sa Tondo at may tumawag na “ang ganda ni Vice!” ay ginawan kaagad ito ng istorya ni Nik-ko?  Hindi man lamang humanap ng matinong anggulo si Nikko para meron namang kabuluhan ang coverage niya sa pagpunta ni Leni sa Tondo.

Parang propagandista tuloy ni Leni si Nikko. Sa halip kasing tingnan ang kongkretong naitulong ni Leni sa mahihirap sa Tondo, kung meron man, sa salitang “Vice Ganda” pa sumentro ang istorya ni Nikko.

READ MORE:  Wala pang kampanya... Bistek, sinisiraan na!

Bakit hindi niya tinanong si Leni kung meron ba siyang dalang tulong tulad ng de lata o bigas para sa mga taga-Tondo. At puro pangako lang ba ng ginawa ni Leni nang makausap niya ang mahihirap ng Tondo?

‘Di ba mas malaking istorya ‘yun?

RALLY SA ANIBERSARYO
NG MENDIOLA MASSACRE

Sa darating na 22 Enero, Linggo, muling magtitipon-tipon ang mga magsasaka at iba pang grupo sa Mendiola Bridge para magsagawa ng isang kilos-protesta sa ika-30 anibersaryo ng  Mendiola Massacre.

READ MORE:  DOJ Secretary Vitaliano Aguirre you’re the best!

Labing tatlong demonstrador ang pinatay ng mga pulis at military, at hanggang ngayon ay wala  pa ring  katarungang  nakakakamit ang mga biktima  na tanging hiling sa dating Pangulong Cory Aquino ay tunay na reporma sa lupa.

Kung matatandaan, matapos ang ilang araw na pagkakampo ng mga demonstrador sa harap ng  Department of Agrarian Reform, nagpas-yang  magmartsa  ang  mga  magsasaka  sa  pa-ngunguna ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) patungong Mendiola Bridge.

Hapon, dumating ang mga demonstrador sa kanto ng Claro M. Recto at Legarda. At habang papalapit sila sa paanan ng Mendiola Bridge, walang kaabog-abog na sinalubong na lamang sila ng sunod-sunod na putok mula sa mga pistol at riple.

READ MORE:  NFA, NEA, NIA nais nang lusawin ni CabSec. Evasco

At   matapos  ang  mahabang  minutong ingay na nilikha ng mga baril ng mga pulis at militar, tumambad sa harap  ng  Mendiola  Bridge ang 13 katawang duguan at wala nang buhay.

Oo, naroroon ako at saksi  nang maganap ang  Mendiola Massacre. Tatlumpong taon na ang  nakalilipas at  hindi pa rin ito mawaglit-waglit sa aking isipan.

SIPAT – Mat Vicencio

COMMENTS

About Mat Vicencio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved