Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Mga pekeng sigarilyo nakatimbre sa mga pulis

Mga pekeng sigarilyo nakatimbre sa mga pulis

Dragon LadyMINSAN nang nawala sa sirkulasyon dahil mainit daw sa mga mata ng media ang naglipanang pekeng sigarilyo ng iba’t ibang brand sa Balintawak Market sa bahaging likuran ng fruit stand.

Sabi ng vendor ng prutas na nakausap ko, timbrado umano sa mga pulis ang mga nagbebenta ng mga pekeng sigarilyo.

***

Bawat kaha umano ay may P5 ang mga pulis na nakasasakop sa Balintawak Market kaya pala bulag ang mga pulis dito. Kadalasan umanong pumapakyaw ng mga pekeng sigarilyo ay street vendors na nagtitinda sa EDSA. Ang mga biktima nito karamihan ay jeepney drivers. Sa halagang P30 ay may isang kaha na sila ng Marlboro, na nabibili ng P70 sa mga pangunahing groceries.

MABAHONG AMOY NG EBAK
NG MANOK AT BABOY
SA MARILAO BULACAN

Pagkatapos pumasok sa exit ng Marilao, pagkaliwa ay siguradong magtatakip na ng ilong ang mga pasahero at motorista lalo na kung ang sinasakyan ay ordinary bus lamang, dahil amoy na amoy ang mabahong ebak at mga bulok na laman loob ng manok sa isang ilog sa nasabing lugar. Kaya umano masangsang ang amoy ng ilog na pinagtatapunan ng mga ebak at bulok na

laman-loob ng manok ay hindi na dumadaloy ang tubig kahit umulan pa nang malaks dahil barado na.

***

Ano ang ginagawa ng mga opisyal ng pamahalaang lokal ng Marilao, Bulacan wala ba silang pang-amoy? Hindi ba nila inaalintana ang epekto nito sa kalusugan ng kanilang mamamayan?

Bulag at bingi ba ang Municipal Health Officer dito? Lahat ng pasahero ng ordinary bus ay napapasigaw sa sobrang baho.

Huwag kayong tutulog-tulog! Lumabas kayo sa opisina ninyo at langhapin ang mabahong amoy, ewan lang kung makalunok pa kayo!

PULIS SA PCP-5
NG PASAY PACMAN

Grabe ang isang pulis na nakatalaga sa EDSA, sa harapan ng Kabayan Hotel. Ang pulis na ‘yan ay walang ginawa kundi hulihin ang mga taxi driver na pumipik-ap ng mga pasahero sa harapan ng nasabing hotel.

Bawal daw! Bakit ‘yung mga pampasaherong jeep na nagbababa at nagsasakay, hindi hinuhuli at hindi tinitiketan? Bakit taxi drivers lang? Mukhang tama ang hinala, kaya malaya ang mga jeepney drivers ay may lagay!

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

COMMENTS

About Amor Virata

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved