Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Lizquen slightly daring sa “My Ex and Whys” (Teaser ng latest movie humamig agad ng 3.7-M views sa loob ng isang araw)
Lizquen slightly daring sa “My Ex and Whys” (Teaser ng latest movie humamig agad ng 3.7-M views sa loob ng isang araw)

Lizquen slightly daring sa “My Ex and Whys” (Teaser ng latest movie humamig agad ng 3.7-M views sa loob ng isang araw)

MALAKI ang kinita sa takilya ng pelikula nina Liza Soberano at Enrique Gil na “Just The Way You Are” na ipinalabas sa mga sinehan last 2015.

Ngayong taon sa bagong movie ng LizQuen na “My Ex and Whys?” slightly daring ang hottest Kapamilya love team at nakatakda nang ipalabas ito sa cinemas nationwide ngayong 15th February.

Dahil medyo sexy ang dating ng teaser ng nasabing film project nang ipalabas ito sa Facebook nitong 14th Janauary na makikitang half naked ang mga pangunahing bida ay dumagsa agad ang viewers nito na sa loob ng 12 hours ay humamig ang teaser ng 2.5-M views and as of presstime ay nasa 4,403,007 ang viewers.

Aba, magandang senyales ito na ang ibig sabihin ay marami ang nasasabik na mapanood muli sa big screen sina Liza at Enrique na maraming followers sa buong mundo.

Mula sa Star Cinema ang My Ex and Whys at si Teodore Boborol ang director ng film.

Perfect match gyud!

TILL I MET YOU NG JADINE
NASA FINALE WEEK NA
Eksenang hiwalayan nina Iris at Basti
punong-puno ng komprontasyon

Dahil antagonista at gusto pa yatang mabansagang homewrecker na si Madison Villareal (Loren Burgos) na owner at publisher ng popular na Wedding Mag ay nagulo ang dating masa-yang relasyon ng mag-asawang Iris (Nadine Lustre) at Basti (James Reid).

Bagama’t tinulungan niya ang dalawa para umasenso ang negosyo sa pagiging event organizer ay may iba palang balak ang babae na gustong agawin kay Iris itong Basti. At dahil sa sulsol ng kanyang Tita Val (Angel Aquino) na malaki ang galit sa nanay ni Iris na si Cass (Carmina Villaroel) dahil sa kinakasamang si Nestor (Zoren Legaspi) hayun itinuloy na ni Madison ang pang-aakit kay Basti at muntik na niya itong mahalikan sa labi buti na lang at umiwas si lalaki at hindi nagpadala sa tukso.

Pero dahil nakita ito ni Val, kinunan niya ang pagdidikit ng dalawa na agad ipinost. Nang ma-kita ni Iris ay sumabog ang galit nito at nakikipaghiwalay na sa poging hubby.

Kahit anong paliwanang ni Basti ay ayaw siyang pakinggan ng kanyang misis, mahal niya ang asawa at handa siyang ipaglaban at hindi sukuan ang pagmamahal niya rito. Magtagumpay naman kaya siya o dito na magwawakas ang pagiging mag-asawa nila ni Iris?

Abangan ang finale week ng Till I Met You, simula ngayong 16 Enero pagkatapos ng A Love To Last, nina Bea Alonzo at Ian Veneracion sa ABS-CBN Primetime Bida.

ALDEN AT MAINE
AYAW BIGUIN ANG FANS
SA EAT BULAGA

Bukod sa parehong propesyonal sa kanilang trabaho ang AlDub love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza ay ayaw biguin ng dalawa ang kanilang mga tagahanga dito sa bansa at buong mundo na hindi sila masilayan sa kanilang regular noontime show na Eat Bulaga na malaki ang naitulong sa kanila para magtagumpay sa kanilang career.

Tulad ni Alden na naospital dahil ng flu, hayun ang actor kahit hindi pa gaanong magaling ay sumipot sa Bulaga kasama si Maine at pinasaya nila hindi lang ang milyon-milyong viewers kundi ang studio audience na matiyagang pumipila sa Broadway Centrum para masilayan lang sila.

At kabibiliban talaga si Alden dahil kahit na sinisipon pa at ngongong magsalita aba’y ang galing pa rin magbitaw ng jokes sa Juan For All, All For Juan at sa kanilang Bulagaan 2017 na kompleto silang EB Dabarkads na mapapanood sa masaya at nakaaaliw na segment nito na ilang dekada na ang binibilang sa ere.

VONGGANG CHIKA – Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved