Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angge, na-in-love sa lalaking pinagmukha siyang tanga
Angge, na-in-love sa lalaking pinagmukha siyang tanga

Angge, na-in-love sa lalaking pinagmukha siyang tanga

MISTERYOSO kung sino ang rebelasyon ni Angeline Quinto na minahal niya ng buong-buo kahit nagmukha siyang tanga. Ito ang sinabi niya sa presscon ng Foolish Love mula Regal Entertainment na palabas na sa Enero 25.

Ani Angeline, mahigit isang taon nakikita niya ang guy na masaya sa piling ng iba. Kumbaga, may partner na iyon at hindi na niya pinaabot  ng dalawang taon.

READ MORE:  Aiko Melendez, nominated sa Best Drama Actress sa Star Awards for TV

“Bumigay na rin po ako bago mag-dalawang taon, ayoko na, okey na ‘yun,”deklara niya.

Tinanong ng press kung si Coco Martin ba ang tinutukoy niya pero mariin niyang sagot. Bakit si Coco? Hindi ko alam, eh. Nagulat lang ako sa tanong ninyo, matagal na ‘yung tapos. Si Coco pa rin ‘yung tinatanong ninyo sa akin. Hindi ko alam,” pagtanggi niya sabay tawa.

READ MORE:  Hindi pa naman — Christian (sa tanong kung gay siya)

‘One way’ lang daw ‘yung sinasabi niya na minahal niya ng mahigit isang taon at alam daw ng guy ‘yun. Pero sad to say, ginagawa pa rin ng lalaki kung ano ‘yung gusto niyang gawin. Nakikipag-usap naman daw ‘yung lalaki sa kanya pero tinigilan na raw ni Angge ang kabaliwan niya. Wala naman daw kasing pinatutunguhan ang relasyon nila.

READ MORE:  Rochelle at Arthur, bahay muna bago kasal

Marami raw siyang natutuhan pagdating sa lovelife kaya hinay-hinay lang siya.

Anyway,  bida rin Foolish Love na magpapakilig rin sina Jake Cuenca,  Miho Nishida , Tommy Esguerra, Cai Cortez, Jerald Napoles, Beverly Salviejo atbp.. Ito ay sa direksiyon ni Joel  Lamangan.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved