Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Madlang Pipol, sumasabog daw ang ovaries ‘pag nakikita si Ian Veneracion
Madlang Pipol, sumasabog daw ang ovaries ‘pag nakikita si Ian Veneracion

Madlang Pipol, sumasabog daw ang ovaries ‘pag nakikita si Ian Veneracion

NAAGAW na raw ni Ian Veneracion ‘yung atensiyon at paghanga rati kayRichard Yap bilang ‘Papa ng Bayan’. Ang daming nagkaka-crush sa kanya, kinikilig, at sumasabog ang ‘ovaries’ ‘pag nakikita ang actor.

Marami ang nagsasabi na kung kailan nagkaedad si Ian ay lalong bumongga ang career. Hindi nga rin siya makapaniwala at hindi niya ma-imagine na mangyayari ito sa kanya.

“Actually, no. Kaya lang, ‘yun nga … Niloloko nga ako ng mga kaibigan ko na, ‘Uy, ganyan, ganyan…’ Kung kailan nagkaedad na ako, at saka naging ganyan. Parang hindi naman ako affected, I just don’t take it personally. It just work. I’ve been doing this for my whole life. Sanay ka naman na minsan may camera, ‘yung ganoon, may attention. Pero hindi ko pini-personal kasi trabaho lang,” deklara pa niya.

Anyway, first horror film sa 2017 ang Ilawod na prodyus ng Quantum Films, MJM Productions, Tuko Films, at Butchi Boy Productions. Kasama rin ni Ian sina Iza Calzado, Epi Quizon, Therese Malvar, Xyriel Manabat, at Harvey Bautista. Ito ay sa direksiyon ni Dan Villegas.

( ROLDAN CASTRO )

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved