Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Iza, ginapang at pinatungan si Ian Veneracion
Iza, ginapang at pinatungan si Ian Veneracion

Iza, ginapang at pinatungan si Ian Veneracion

MAPANGAHAS ang role ni Iza Calzado dahil may daring scene sila ni Ian Veneracion sa Ilawod. Ibinuking ni Direk Dan Villegas na may eksena sila na ‘lack of clothes.’

Ibig bang sabihin ay may love scene ang dalawa at may hubaran na may nagpakitang elemento?

“Basta’t ang alam ko lang tulog ako niyon,” tugon ni Ian sa presscon ng  Ilawod na showing sa January  18. “Sumampa siya sa akin,” dagdag ni Ian.

READ MORE:  Jen, bagay sa show na pagluluto

“Kagapang-gapang naman,” reaksiyon ni Iza.

Yes, ginapang ni Iza si Ian. Ano ang pakiramdam ni Ian?

“Masarap naman,” pakli niya na tumatawa.

Tinukso tuloy si Iza at binigyan ng title na “Gapang Goddess”.

Hindi ba pinilit si Iza sa eksenang ‘yun?

READ MORE:  Actor, sinuspinde dahil sa kapuputak

“Papilit talaga? Twenty years old?,” tugon ni Iza.

So, pumatong siya talaga?

“Patong Princess,” sagot ni Iza sabay tawa.

Nagbiro naman si Ian at tinawag si Iza na “Sampa Queen”.

Ayon sa aktres, komportable siya na maghubad sa harapan ni Ian dahil mabuti niya itong kaibigan.

READ MORE:  Sharmaine, namaga ang mata sa pagkawala ni Direk Maryo

Pero ang ikalulungkot ng mga bading, mas conservative si Ian at palaban naman si Iza.

Anyway, first horror film sa 2017 ang  Ilawod  na prodyus ng  Quantum Films, MJM Productions, Tuko Films, at Butchi Boy Productions. Kasama rin sa cast sina Epi Quizon, Therese Malvar, Xyriel Manavat, at  Harvey Bautista.

Boom!

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved