Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ian, mas naging yummy at nagkaroon ng kaliwa’t kanang project nang magka-edad
Ian, mas naging yummy at nagkaroon ng kaliwa’t kanang project nang magka-edad

Ian, mas naging yummy at nagkaroon ng kaliwa’t kanang project nang magka-edad

ANG ganda ng ngiti ni Ian Veneracion nang sabihan siya ni tito Alfie Lorenzo na kung kailan siya tumanda at nagka-pamilya ay at saka siya nagkaroon ng kaliwa’t kanang projects.

Samantalang noong bata pa si Ian ay bilang lang sa daliri sa kamay ang projects niya at ang nagmarka sa lahat ay ang Joey and Son nila ni Joey de Leon.

“Hindi ko rin po maintindihan, pero ipinanalangin ko naman po siyempre sana tuloy-tuloy ang projects ko as an actor kasi gusto ko ang ginagawa ko. Kung maraming nagugulat, ako rin po nagugulat,”  nakangiting sabi ng aktor.

Kaya naman ang sunod na tinanong kay Ian ay ano ang nagiging reaksiyon ng misis niya kapag nali-link siya sa mga nakakatrabaho niyang aktres na hindi naman minsan naiiwasan.

“Wala namang isyu, hindi namin napag-uusapan kasi alam naman niyang nasa showbiz ako, nakilala niya ako nasa showbiz na, so I don’t need to explain myself to anyone lalo’t hindi naman nagtatanong din ang wife ko, so wala,” katwiran ng lead actor ng horror movie na Ilawod na mapapanood na sa Enero 18.

READ MORE:  Film restoration ng ABS-CBN in service to the Filipino pa rin!

Nabanggit ang pangalan ni Jessy Mendiola na na-link kay Ian na labis ding ikinataka nito dahil hindi naman daw sila nagkatrabaho ng aktres.

“Siguro sa showbiz, minsan mas importante ‘yung juicy-ness factor kaysa factual basis. ‘Yun nga, ‘pag juicy, mas okay ke may katotohanan o wala. Sanay naman na ako sa showbiz kasi rito naman na ako lumaki, and asawa ko nga hindi ako tinatanong so I don’t feel answerable naman to anyone. Kasi walang isyu talaga,”paliwanag ni Ian.

Tinanong namin kung nagkaka-crush pa si Ian, ”oo naman, marami,” mabilis na sagot ng aktor.

READ MORE:  Atty. Ferdinand Topacio halos pakyawin ang FHM cover ng PBB teen big winner (No. 1 supporter kasi ni Myrtle Sarrosa …)

Kaya tinanong namin kung sino, ”’wag na. hayaan na. Hindi naman nawawala na magka-crush ka kasi I’m an artist, I’m a painter so alam mo ‘yun, marunong akong mag-appreciate ng inner beauty,” katwiran pa.

Sa tanong kung sino ang gusto niyang ipinta ay napangiti lang siya dahil alam niya kung ano ang kasunod na tanong na baka iyon ang sasabihing crush niya.

Kaya nagpaka-safe si Ian at binanggit niya si Liza Soberano na ang ganda raw ng mukha kaya masarap ipinta.

Samantala, tinutukso raw siya ng mga anak niya sa taguri kay Ian na hearthrob kapag nakikita ang billboard niya sa Edsa at sinasabihan daw siyang, ‘grabe dad, pa-cute ka riyan, pa-cute ka.”

“Alaskado nga ako sa mga anak ko, sabi ko nga, hayaan n’yo na, tumatanda na nga, eh,” tumatawang kuwento ng aktor.

Tatlo ang anak ni Ian, isang 18, 16, at 10 at lahat sila ay walang planong pasukin ang showbiz at hindi naman daw pinipigilan ng aktor.

READ MORE:  Atty. Ferdinand Topacio, nilinaw na ‘di siya abogado ng sumukong si Deniece Cornejo

Sa kabilang banda ay aminado si Ian na sobra siyang konserbatibo dahil sa eksenang ginapang siya ni Iza Calzado ay wala raw nakitang parte ng katawan niya at hindi rin siya nagsuot ng boxer para man lang takamin ang manonood.

Samantalang si Iza ay bakat na bakat ang katawan maski na naka-skin tone siyang damit.

Sinisiguro ng buong cast ng Ilawod na matatakot lahat ang manonood sa Enero 18 mula sa direksiyon ni Dan Villegas at sa panulat ni Yvette Tan. Ang ibang kasama sa pelikula ay sina Harvey Bautista, Therese Malvar, at Xyriel Manabatproduced ng Quantum Films, MJM Production, Butchi Boy Production, atTuko Films.

FACT SHEET – Regge Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved