Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Balak na protesta ng Gabriela laban sa Miss Universe, inalmahan ng netizens
Balak na protesta ng Gabriela laban sa Miss Universe, inalmahan ng netizens

Balak na protesta ng Gabriela laban sa Miss Universe, inalmahan ng netizens

MARAMING netizens ang hindi pabor sa ipinaglalaban ngayon ng Gabriela sa nalalapit na Miss Universe 2016 na gagawin sa ating bansa. Pinuputakti tuloy sila ng mga basher.

Ayon sa netizens, baka Gbriela lang ang tumuturing umano sa mga kandidata ngMiss Universe na gamit dahil iginagalang nila, binahangaan ang bawat kalahok.

READ MORE:  Pagpapa-sexy ni KC, ‘di planado

Anong paandar na naman ang ginagawa ng Gbriela?

Bagamat humahanga kami at sumasaludo sa adbokasya nila at pakikipaglaban sa karapatan ng mga kababaihang naaapi, OA naman ang plano nilang kilos-protesta at susundan ang Miss Universe 2016.

READ MORE:  “Got to Believe” nina Kathryn at Daniel sa sobrang ganda di pinalalampas ng televiewers

Aba’y ang daming beauty pageant na nagaganap sa bansa natin, bakit sa Miss Universe lang sila nag-iingay? Nandiyan ang mga bikini open ‘pag summer pero bakit sa Miss Universe lang ang tinututulan nila? Bakit hindi nila tutukan ang mga babaeng binubugbog, ginagahasa, at pinapatay?

READ MORE:  Miss na Miss ng Classy Girls fav i-dubsmash ni Maine

Awat muna. Hindi maganda sa image ng Pilipinas na may nakikita silang kilos protesta hahang nandiyan ang mga kinatawan ng Miss Universe sa iba’t ibang bansa.

Hindi nakatutuwa. Tigilan niyo ‘yan.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved