Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Biniling lupa ni Edgar Allan, patatayuan na ng bahay, nakalinya na rin ang pagnenegosyo
Biniling lupa ni Edgar Allan, patatayuan na ng bahay, nakalinya na rin ang pagnenegosyo

Biniling lupa ni Edgar Allan, patatayuan na ng bahay, nakalinya na rin ang pagnenegosyo

HAPPY si Edgar Allan Guzman na may pelikula siyang ipalalabas sa first quarter ng 2017. Ito ‘yung Tatlong Bibe under Regis Films and Entertainment kasama ang tatlong bidang sina Raikko Matteo, Marco Masa, at Lyca Gairanod.

Maganda ang 2016 sa kanya dahil sa rami ng blessings ay nakabili siya ng bagong kotse na pang-taping. Tapos nakakuha siya ng lupa para sa pamilya niya na balak niyang patayuan ng bahay. Kaya need niyang magseryoso talaga sa work.

READ MORE:  Winning chance ni Karla, pipigilan daw ng Jadine at LizQuen

“Nakaplano na po talaga. Kasi last year, parang hindi pa pumapasok sa akin na ‘uy, kailangan kong mag-ano na para sa pamilya ko”. Ngayon, parang ‘yung utak ko, biglang nagbago na may timeline na agad. O, kailangan, March, tayo na ‘yang bahay, tapos after niyon, negosyo naman para paiikutin mo na lang,” deklara niya sa presscon ng Tatlong Bibe.

READ MORE:  KathNiel fans, nahati sa pag-endoso ni Daniel ng politiko

Wala pa naman daw siyang plano na mag-asawa at para sa family niya ang mga binabalak niya. Ayaw na niyang pag-usapan ang lovelife niya na may ibang tao na nagja-judge sa kanya at nasasaktan lang siya. Mas mabuti na lang daw ‘yung manahimik.

Pinabulaaanan niya na napapabayaan niya ang trabaho ‘pag nai-in love.

“Kasi kung napapabayaan, hindi ko po magagawa ‘yung mga pelikulang ganyan, hindi po ako makapupunta sa taping, hindi ako makakaraket, hindi ko mapapakain ang pamilya ko,” deklara pa niya.

READ MORE:  Osang sobrang nabibigatan na sa suso, silicon ipatatanggal na

Palabas na sa March 1 ang Tatlong Bibe at kasama rin sina Eddie Garcia, Dionisia Pacquiao,  Rita Avila, Sharlene San Pedro, Victor Neri, Luis Alandy, Ronnie Lazaro, Anita Linda, JK Labajo with the special participation of Ms. Angel Aquino.

ni ROLDAN CASTRO

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved