Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angeline, apat na taon nang sumasampa sa Poong Nazareno
Angeline, apat na taon nang sumasampa sa Poong Nazareno

Angeline, apat na taon nang sumasampa sa Poong Nazareno

HINDI si Coco Martin ang nag-influence kay Angeline Quinto na maging deboto ng Mahal Na Poong Nazareno.

“Ten years old pa lang po ako noong nag-start akong mamanata sa Black Nazarene. So noong sa Sampaloc pa po kami nakatira, si Mama Bob (mommy ni Angge) ko po ‘yung nagpakilala sa amin sa Nazareno na every Sunday at first Friday doon kami nagsisimba.

“So noong bata pa lang po ako talagang every January 9 kasi nagpupunta na ako ng Quiapo kasama ‘yung mga tao roon sa lugar namin na sumasama sa prusisyon.

“Peo noong time po na ang Mama Bob naman eh hindi na niya kayang sumama sa prusisyon ako na po ‘yung nagtuloy niyong panata namin. Tapos after noong manalo ako ng ‘Star Power’ doon po ako nag-decide na gusto kong sumampa, gusto kong i-try sumampa roon sa Nazareno.”

READ MORE:  Aaron, kapansin-pansin ang galing sa Heneral Luna

Last January 9 ay napabalitang sumampa si Angeline sa prusisyon  ng Black Nazarene.

“Nakakatakot po kasi ‘’di ba minsan talaga may mga namamatay sa sobrang dami ng tao. Tapos hindi mo alam kung ano ang puwedeng mangyari kapag sumampa ka pero may mga grupong tumutulong sa akin kada taon, na taga-Makati chapter sila so kaya po ako nakakasampa ngayon. Pang-apat na taon ko na pong nakasampa noong January 9 dahil sa tulong niyong mga taga-Makati chapter.

“Medyo nahirapan po ako noong nakaraan kasi medyo mabilis ‘yung andar niyong karo kaya medyo natagalan ako noong pababa mula sa itaas kasi hindi ko alam kung kanino ako papasalo kasi hindi ko makita ‘yung mga tumulong sa akin. Pero happy naman kasi nagawa ko pa rin po yung panata ko.”

READ MORE:  Pagiging movie queen muling pinatunayan ni Bea Alonzo (“How to be Yours” with Gerald Anderson Kumita ng P10 milyon sa unang araw)

Natakot raw ang mga tao sa pagsampa ni Angeline.

“Kasi nga babae,” katwiran niya.

Nakilala raw siya niyong mga nasa itaas rin ng karosa ng Mahal na Nazareno.

“Kaya hindi rin po ako masyadong nahirapang umakyat kasi may mga kumuha sa akin para mas madaling makaakyat po roon sa Nazareno. Pero after niyon nakatutuwa kasi ‘yung mga ibang mga deboto nagpapalakpakan sila pagbaba ko kasi safe akong nakababa.”

READ MORE:  Snow World, nilagyan ng matataas na buildings, historical structures at 2 coffee shop

Ano ang mga hiniling ni Angeline sa Nazareno?

“Honestly po kapag nahahawakan ko siya or nahahalikan ko ‘yung kamay niya wala na po akong hinihiling. Basta kung anuman ‘yung napakagandang nangyari sa buong taon po na nandiyan pa ang Mama Bob ko, ‘yung mga taong mahal ko, may trabaho ako, may bahay kami. So iyon lang. Sobrang thankful lang ako sa 2016 na ready na po ako ngayon sa 2017,” bulalas pa niya sa presscon ng rom-com movie nila ni Jake Cuenca na Foolish Love. Ito ang unang pasabog ng Regal Entertainment ngayong 2017.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved