Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mocha, inuumpisahan na ang trabaho sa MTRCB
Mocha, inuumpisahan na ang trabaho sa MTRCB

Mocha, inuumpisahan na ang trabaho sa MTRCB

MOCHA blends! Sa mga ibinabahagi niyang idea sa kanyang pitak, bukas na bukas ang isip at puso ng isang Mocha Uson sa posisyong hindi naman daw niya hinangad o hiningi.

At ngayong naitalaga na siya bilang miyembro ng Board ng MTRCB, naihanda na rin ni Mocha ang sarili sa mga hindi magsasawang kumulapol ng opinyon nila sa kanya.

READ MORE:  Edu Manzano, di kontra sa pagpasok sa politika ni Luis

Malinaw naman ang dahilan niya kung bakit niya tinanggap ang posisyon. Dahil kinakailangan ng administrasyong Duterte sa nasabing sangay ng tulong sa pag-polisiya ng mga programa. At hindi pala tatanggapin ni Mocha ang suweldo niya rito. Sa halip ay ibibigay niya ito sa pagdo-donate ng groceries sa Duterte’s Kitchen o DSWD.

READ MORE:  JM, sobrang saya sa kinita ng That Thing Called Tadhana (Imbisibol, next indie movie)

Ngayon pa lang, looks like Mocha’s already doing her homework. May mga natutuklasan na siya sa pinapasok na sangay.

Ang unang misyon nga raw niya eh, ang mapatigil ang mga soft-porn like scenes sa primetime TV. At sa 30 board members ay makatulong sila na maipaliwanag lalo sa kabataan kung ano ang pinanonood nila.

READ MORE:  Ruben Soriquez at Garie Concepcion tampok sa The Lease

A tough act to follow pero buo ang loob at desidido si Mocha na magampanan ang itinalaga at ipinagkatiwalang responsibilidad sa kanya.

Definitely Mocha will blend well with the Board. They won’t get bored.

HARDTALK – Pilar Mateo

COMMENTS

About Pilar Mateo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved