Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Harvey Bautista, gusto ring maging director tulad ng kanyang Lolo Butch
Harvey Bautista, gusto ring maging director tulad ng kanyang Lolo Butch

Harvey Bautista, gusto ring maging director tulad ng kanyang Lolo Butch

MAITUTURING na biggest break para kay Harvey Bautista, anak ni Mayor Herbert Bautista at ni Tates Gana ang pagbibida sa horror film na Ilawod na pinagbibidahan din nina Ian Veneracion at Iza Calzado na idinirehe ni Dan Villegas at mapapanood na sa Enero 18.

Ayon kay Harvey, nag-audition siya para sa nasabing role niya sa Ilawod na ginagampanan niya ang isa sa anak nina Ian at Iza. Sobrang ikinatuwa ng batang actor ang pagkakakuha sa kanya ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonzo.

READ MORE:  Batang sexy star expert sa paggamit ng contraceptive pills (Ayaw pabuntis sa dyowa)

Puring-puri naman siya ni Atty. Alonzo at ni Direk Dan dahil natural daw itong umarte kaya naman ganoon na lamang ang katuwaan ni Harvey na sa rami ng nag-audition ay siya ang napili.

Ani Harvey, hindi niya akalaing magiging first movie niya ang horror film pero nag-enjoy siya sa shooting at marami siyang natutuhan.

READ MORE:  Barbie, gaganap na anak ni Kris

Unang napanood si Harvey sa Goin’Bulilit noong 2011 na gumradweyt na kamakailan dahil 13 taong gulang na siya at nagbibinata.

Bata pa lang ay gusto na ni Harvey na mag-artista at siyempre, ang idolo niya ay ang ama niyang si Mayor Bistek. Pinanonood niya ang mga movie ng daddy niya noon at ang pinaka-favorite niya ay ang Captain Barbell dahil mahilig siya sa super heroes.

READ MORE:  Cristine ayaw nang magpa-sexy: May asawa ako at anak, lahat ng desisyon ko kailangan makabubuti rin sa kanila

Nasa high school pa lang ngayon si Harvey at balak niyang kumuha ng filmmaking kapag nag-kolehiyo na siya. Dream niyang maging direktor tulad ng kanyang loloButch Bautista.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved