Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Enrique, parang asawa na ang turing kay Liza kahit relasyo’y wala pang label
Enrique, parang asawa na ang turing kay Liza kahit relasyo’y wala pang label

Enrique, parang asawa na ang turing kay Liza kahit relasyo’y wala pang label

BUONG ningning na sinabi ni Enrique Gil na nakasama niya si Liza Soberano at ang pamilya nito noong holidays. Nag-stay din siya sa kanyang beach house sa Anilao, Batangas. Dapat ay kasama rin niya si Liza sa Japan pero hindi raw umabot ang visa niya kaya ang aktres lang ang natuloy. Pero sa birthday niya sa March ay aalis daw sila at matutuloy na ang Japan niya.

Sa ganitong bonding nila, kulang na lang ang pag-amin na mag-on na talaga sila. Pero mariing sinabi ni Enrique na parang sila na ’yun ay sa sarili niyang pananaw.

Nahihirapan siyang ipaliwanag ang sitwasyon nila. Feeling niya ay parang mag-asawa sila pero hindi naman. ‘Yun bang parang asawa na ang tawag mo sa isang tao pero hindi pa rin kayo kasal.

Wala naman daw kailangang label sa kanilang dalawa basta’t ang importante ay kung paano sila magturingan sa isa’t isa kahit hindi pa opisyal na mag-on.

‘Yun na!

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved