Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Atty. Maribert Pagente bakit bawal kuhaan ng picture ang mesa ng Stronghold Inc & Sterling Inc sa 2/f ng Makati City hall? (Attention: 8888)
Atty. Maribert Pagente bakit bawal kuhaan ng picture ang mesa ng Stronghold Inc & Sterling Inc sa 2/f ng Makati City hall? (Attention: 8888)

Atty. Maribert Pagente bakit bawal kuhaan ng picture ang mesa ng Stronghold Inc & Sterling Inc sa 2/f ng Makati City hall? (Attention: 8888)

KAHAPON, pinakuhaan natin ng retrato ang ‘iregular’ na authentication ng dalawang insurance company sa iba pang insurance company na kinukuhaan ng comprehensive general liability (CGL) ng mga nagre-renew ng business permit at maging ng mga bagong applicants sa Business Permits and Licensing Office (BPLO) sa 2nd floor ng Makati City Hall.

Pero nabigo ang aming photographer na kuhaan ng retrato ang mesa ng Stronghold Inc., Makati City Hall Building II; at ng Sterling Inc., na nasa Makati City Hall Main Building naman dahil hinarang siya agad ng mga security guard.

Lalo tuloy tayong nagtaka sa sistema ng BPLO ng Makati na pinamumunuan ni Atty. Maribert Pagente.

Kung dati ang tanong lang natin, bakit ang Stronghold at Sterling insurance companies ang nag-o-authenticate ng kapwa nila insurance companies?

Bakit ang mesa ng Stronghold at Sterling ay nasa loob mismo ng Building I at Building II para mag-o-authenticate ng CGL ng mga aplikante ng business permit sa BPLO at kumokonsumo ng koryente at gumagamit ng facilities ng local government?

010917-makati-bplo

Bakit naniningil ang Stronghold at Sterling ng 60% sa kabuuang Insurance premium ng mga nagre-renew ng business permits maging new applicants?

Saan napupunta ‘yang 60% na ‘yan?

Sa kabang yaman ba ng Makati City?

O sa kabang-bulsa ng iilan?!

Ngayon, ang dagdag na tanong, Atty. Pagente, paano ninyo nasabing mabilis ang proseso sa renewal ng business permits sa BPLO gayong nagsisimula kayo sa isang ‘iregular’ na proseso?

Kung kailangan ng authentication ng mga insurance company na kinukuha ng mga negos-yante nagre-renew ng business permit para CGL, bakit hindi sa Insurance Commission n’yo ipa-authenticate!?

Wattafak!?

‘Yan lang po ang sagutin ninyo Atty. pahenge ‘este Pagente.

Hindi na po ninyo kailangan gumastos pa nang malaki para sa pagpapa-PR ng Makati BPLO.

By the way, bakit hindi ninyo subukang mag-imbita ng Ombudsman para makita at masuri ‘yang sistema ninyo?

Kapag nagawa ninyo ‘yan Atty. pahenge ‘este Pagente, ‘e baka maniwala ang mga negosyante sa sinasabi ninyo…

For the meantime, nanatili ang mga tanong na ‘yan sa isipan ng mga businessman sa Makati City.

MAY DIPERENSIYA BA
ANG MGA MATA
NI MTPB CHIEF DENNIS
ALCOREZA!?

010917-bonifacio-lawton-illegal-terminal

Nag-operation photo op at video op pala ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa pamumuno ng kanilang hepe na si dating konsuhol ‘este mali’ konsehal Dennis Alcoreza sa Sampaloc, Maynila kahapon.

Ang press release, nilinis at binatak (tow) daw nila ang mga illegal parking kabilang ang mga nakagaraheng sasakyan sa mga kalsada.

Talaga namang sa radio interview, photo op at video op ‘e parang gustong baliktarin ang mga sasakyan na nakagarahe sa bawat kalye.

Ipinagmalaki pa sa video op na, tuloy-tuloy daw ang kanilang paglilinis hanggang lumuwag ang mga kalye sa Maynila.

Wee?! Hindi nga?!

E bakit feeling ng mga Manileño, ‘e may diperensiya sa mata o farsighted si Alcoreza?

Aba ‘e gustong linisin ang Sampaloc, Blumentritt, Divisoria, Sta. Cruz, Quiapo, Paco, Pandacan at Malate  pero ‘yung napakalapit sa Manila City hall na illegal terminal ay hindi niya malinis-linis?!

Aba, konsi Alcoreza, dapat sigurong ipa-check mo ang iyong mata na hindi yata nakakikita sa malapitan?!

Ano ba ‘yan, sinasadya?

Sinsadyang huwag tingnan?!

Bukod sa kabi-kabilang illegal terminal ng mga kolrum na van, malapit sa Manila City hall, ang bantot at ang panghi ng paligid lalo sa Liwasang Bonifacio (dating Plaza Lawton) na pinaglunggaan na ng illegal terminal, ginawa pang tambayan, liguan, labahan, tulugan, kasilyas ng mga inaangking constituents ng nasabing barangay.

‘Kinahoy’ na maging ang mga lamp post at mukhang nai-deliver na sa junk shop.

Baka isang araw ‘e bumaba ang estatwa ni Gat Andres Bonifacio at maghimagsik sa sobrang baho ng liwasan na ipinangalan sa kanya.

MTPB chief, Dennis Alcoreza, ang daming obstruction sa Liwasang Bonifacio…

‘Yan ang dapat mong unahin!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved